June 30, 2011

Tatlon'g Taon na ang Damuhan!

26 ang nakaappreciate
imahe mula sa google

Ang bilis talaga ng panahon! Halos hindi ko namalayan na tatlo'ng taon na ang matulin'g lumipas mula ng umusbong sa world wide web ang Damuhan. Isang simpleng blog na may tagline na Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy dahil sa ito'y isinulat sa sarili nating wika, at naglalaman ng mga storya, lathalain, larawan at iba pa na may kinalaman sa bawat Pilipino.

Sa loob ng tatlong taon, mayroon lamang 298 na posts ang damuhan. At ito'ng post na ito ang pang-ika- 299. Isang pagpapatunay na may katamarang magsulat ang inyong lingkod noon. Minsan sa isang linggo lang ako dati magpaskil ng mga lathalain at karamiha'y walang kwenta, minsan nga, repost pa. Manaka-naka rin lang ang mga readers ng blog na ito at sila ay ang mga kasabayan ko o nauna pa sa akin sa daigdig ng blogging.

Subalit nagbago ang lahat ng ito ng buksan ko ang aking pintuan para makilala ang mga kapwa blogero. Nagsunud-sunod ang mga EB (eyeball) na naging dahilan para dumami ang aking mga mambabasa (dalawa na sila ngayon). Ang dating mahiyain ay kumapal na ang mukha. Maipagmamalaki ko na dito sa blogging nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan. Subalit dito ko rin nalaman na may mga ahas din pala. Malamang! Damuhan eh. Hehehe



Alam nyo ba?

Ang unang bahay ng Damuhan ay sa freewebs.com. Website talaga dapat ito at hindi webblog. June 30, 2008 ang unang post sa nasabing bahay.

Sa paghahanap ng blog platform, napadpad ito sa blogspot noon'g July 2008.

July 29, 2009 ng isara ang Damuhan. Awwww.

August 18, 2009 ng muli ito'ng buksan. Maarte lang! Hehehehe

December 2009 ng magkaroon ito ng sariling domain.

May mga ilang kwento dito na hindi tapos. At mahilig sa mga bitin na posts ang Damuhan.

Ang Damuhan ay isa sa mga long-time supporters ng PEBA.



At mula nga noon, kahit may mga naninira sa blog na ito, marami pa rin ang sumusuporta sa Damuhan. Isang dahilan kung bakit hindi ito magsasara.

Ngayong 2011, muli ko'ng bibitiwan ang pangako'ng iyan, na kailanman ay mananatiling malago at luntian ang Damuhan. Pero gusto ko rin namang malaman ang inyong opinyon. Gaya ni Mokong ng Engrmoks.com, narito ang dalawang katanungan:


1. Ano'ng mga topics ang gusto ninyon'g mabasa?
2. Ano'ng mga topics naman ang ayaw n'yo nang makita at isulat pa sa damuhan?


Muli, maraming salamat sa patuloy na pagbisita sa Damuhan. Salamat sa mga nagkokomento at maging sa mga silent readers, at sa mga kaibigan. Salamat sa tatlon'g taon na pinagsamahan. Thank you Penshoppe for my wardrobe, Replay for my eyewear, Ystilo Salon for my hair and Dr. Vicky Belo! Hehehehe.

Happy Birthday Damuhan!






June 29, 2011

Quotes from the Bloggers

25 ang nakaappreciate
Kung nag-aabang kayo ng ating Blogger of the Week, ikinalulungkot ko po'ng sabihin na wala po'ng featured blogger ngayon. Muli ito'ng magbabalik sa ika-6 ng Hulyo ng taon'g ito. Sa halip, ating sasariwain ang mga "quotable quotes" ng mga blogero'ng aking nakapanayam dito sa Damuhan. Mga hindi malilimutang kasabihan mula sa kanila na tinalo pa ang mga kasabihan ni Bob Ong maging ni Doraemon.

At dahil hindi lang mga artista, pelikula at tv series ang may mga quotable quotes, kundi pati ang mga blogero din, narito na ang mga kasabihan nila:


Zyra Mae OrdoƱo Bambico ng Adodcespresso.com - ang Diwata ng Muntinlupa

"Naniniwala kami na si Lord ung bumuo ng istorya namin. Kaya masaya kami kasi alam namin na nakangiti si God sa amin"


"Mahalaga na parehas kayo ng gusto ng partner nyo – kunwari interests – maganda na parehas kasi mas makabubuti un. Possible din naman na hindi kayo magkatulad pero natututunan naman magustuhan ang mga bagay-bagay."

Jason De Guzman ng jasonhamster.wordpress.com at jezonhamster.com - ang nagpauso ng LELS (slang ng Lols) at Hari ng Youtube

"Hinahangaan ko ang mga matatapang magsulat, pero di nakakatapak ng iba."


"Masyado kong ibinukas ang lahat ng pintuan papunta sa aking mundo. Masyado akong naging fragile."


"Pinapayuhan ko kayong maging maingat sa mga taong mapanlinlang at nagbabalat-kayo"


Bon Talampas ng Bonistation.com at Taragis.com - dahil sa kanya, nabuo ang HOT SEAT ng Damuhan


"Kung hindi ako nakapag abroad baka hindi rin ako nakapag blog."


"Mahirap ang pasko sa abroad malayo sa pamilya. Pero dahil sa mga kaibigan sa blog hindi naging ganun kabigat, mararamdaman mong may kasama kapadin at hindi ka nag iisa.. maraming bloggers din kasi ang malalayo sa pamilya. Iba ang saya pag masasabi mong blogger ka.. and “i belong”."

Goyo ng Goyosadventure.com - Saranggola Blog Awards Winner

"Madali lang naman mag-ignore ng mga haters. Yung iba lang nakakatawa. Dinidibdib ang mga biro sa internet. Internet to mga tol, madaming malala kung mag-troll dito. Bawal balat sibuyas."


"Kung personal blogger ka, sulat mo kung anong gusto mo, kahit makasagasa ka ayos lang BASTA KAYA MONG DALHIN SARILI MO"

Lhan Matias ng notbuknilhan.com - isa sa mga regular readers ng Damuhan at itinuturing ko rin na isang kaibigan.

"Mahmine, salamat sa pagmamahal mo sakin, sa pagpili mo sakin bilang makakasama mo habang buhay. Umasa ka na ikaw lang din ang sasamahan ko habang buhay. Magkatulong nating itataguyod ang sinisumulan nating pamilya. Mahal na Mahal kita at take care always. Ilove you!"


"Sa isang relationship dapat bigayan. Bawal ang selfish. "


Rhialyn Diaz ng susulatako.blogspot.com - isa sa mga bloggers na madalas ko'ng ka-tweet.

"Dito ko din nalaman na di ako nag iisa sa mundo, magkakalayo man alam kong tunay silang mga kaibigan"


"Write what it really inside your heart kasi nararamdaman yung nga mga readers mo kung totoo ang pinagsususulat mo."


"meron akong minahal at minahal din ako…SIGURO"


"Ilang beses ko ng gustong bumitaw pero sa tulong ng mga naging kaibigan ko dito at dahil na din sa mga payo at panalangin kinakaya ko at alam kong nandyan si Ama di nya ako pababayaan. My hope, my strength and my shield comes from Him."

Steph ng traveliztera.blogspot.com - isa sa mga hottest bloggers! Asawa ni Orlando Bloom

"Mas lumawak pag-iisip ko dahil sa mga iba't ibang opinyon at mga kaalaman ng mga nakakasalamuha ko sa mundo ng blogging"


"Mag-blog ka ayon sa interes mo--hindi dahil lang sa ito 'yung "trending" na theme o topic. Nagiging "pilit" 'yung post mo kapag pinipilit mo ngang maki-"in". "

Salve ng salbehe.com - ang panayam sa kanya ang pinakakaaliw at pinakanakakatuwa sa lahat

"Isa syang malaking joke. Oo, malaki. Beep beep."


"Change will happen, nagblog man ako o hindi. It's up to you na lang if the change will be for the better or for the worse. Sa ibang tao, blogging is their life. Life is about growth. Grow with it."


"Kung hindi ako willing masaktan, sana hindi na lang ako nagmahal."


Madz ng itsmadzday2day.blogspot.com - ang huling babae'ng blogger for the month of June


"Kung anong daldal ko sa blog, ganun naman ako katahimik sa personal."


"Mas mahalaga siyempre sa akin yung ugali ng isang tao kesa sa kanyang itsura pero syempre hindi mo naman pwedeng sabihin na wala itong bearing kasi yung pisikal na anyo ang una mong nakikita. Sa itsura lang nagsisimula pero yung foundation ng relationship (friendship man o intimate), yung character ng tao ang bumubuo."


Mas lalo ko silan'g nakilala dahil sa mga simpleng sagot nila sa mga panayam na aking ginawa. Sa mga bloggers na aking itinampok, maraming salamat sa inyo.


Abangan sa susunod na Miyerkules ang ating Blogger of the Week. Clue: Photographer/Traveller.


June 27, 2011

The Bloggers Meet Top Express - June 25, 2011

29 ang nakaappreciate


Martes, ika- 21 ng Hunyo kung hindi ako nagkakamali ng i-announce ko sa Facebook Group na U-Blog ang isang Bloggers' Eyeball. Isa na ring pagkakataon para makilala sa personal ang isang blogger mula sa Canada na si Tope ng Top Express. Napili'ng venue ang Mall of Asia (actually ako lang talaga ang nagdecide ng meeting place). Ngunit ilang araw matapos ang announcement, dumating ang bagyon'g Falcon. Nagkaroon ng konting alinlangan kung matutuloy pa ang nasabing EB dahil sa sumunod na tatlong araw ay panay ang buhos ng malakas na ulan na naging sanhi ng baha sa kalakhang Maynila at mga karatig na lugar. Subalit sabi ko sa mga magsisipunta, rain or shine tuloy ang EB. Awa naman ng Diyos, Sabado, June 25, 2011 3:30 ng hapon, maganda ang panahon. Pinagbigyan ang aming pagkikita!

Tulad ng mga nakaraan ko'ng post tungkol sa meet and greet ng mga kapwa blogero, narito ang ilang mga larawan ng nasabing eyeball.

Waiting Mode: 

DSC_0607
Rico, Mhel and Xander

DSC_0612
Mhel, Ako at Rico

Starbucks Mode


DSC_0625
Meet Tope of TopExpress.Wordpress.Com

DSC_0621
Xander, Tope, Rico and Mhel - Mga Endorsers ng Starbucks

DSC_0622
Isa pa'ng endorsement Hehehe

DINNER MODE


DSC_0629
Picture muna bago umorder. Si Bernard yung naka-white

DSC_0630
Wala pa rin kami'ng pagkain nyan. Si John naman yung naka-green (kumagcow)

DSC_0638
Tapos na kaming kumain nyan ng dumating si Otep (gitna namin ni Rico)

DSC_0642
Inaantay na lang ang tira'ng pagkain na pinabalot. Sa Gerry's Grill nga pala kami tsumibog


After kumain, diretso kami sa Music 21 sa Juiter St. sa Makati para ano pa nga ba, mag-videoke!


VIDEOKE MODE


DSC_0643
Si Tope, kumakanta ng Before I Let You Go

DSC_0646
Wacky Shot Muna :D


Bagamat mga bandang alas-diyes ng nagpaalam si Tope dahil sa kanyang mga commitments, tuluy-tuloy pa rin ang kasiyahan:

DSC_0663
Ay sorry Xander di ka nahagip ng Camera lels

DSC_0670
Otep, Rico and Xander

DSC_0695
Bernard, Xander, Mhel (the only girl sa EB), Otep and Rico


Matapos ang videoke, dumaan muna kami ng Starbucks sa may Shangrila para magkape. Tumagal hanggang alas-dos ng madaling araw ang naturang EB.

Maraming salamat sa lahat ng mga dumalo. Kay Tope, nice meeting you! Kay Otep din pala dahil doon lang kami nagkausap bagamat nakita ko siya sa ikalawang Saranggola Blog Awards. Hanggang sa susunod na bloggers' eyeball!

June 24, 2011

Munting Pakulo 3 - Ang mga Nagwagi!

37 ang nakaappreciate
Narito na ang resulta ng ating munting pakulo 3! Makikita ang mga qualified entries sa baba. Inalis na ang mga diskwalipikado at pasaway. Umabot ng 95 ang mga kalahok. Ang mga pangalan na dalawang beses lumabas sa listahan ay ang mga gumawa ng post tungkol sa munting pakulo.


1 kikilabotz
2 KUMAGCOW
3 khanto
4 Ester
5 madz
6 Empi
7 Chingoy
8 palakanton
9 palakanton
10 ENGRMOKS
11 mommyRazz
12 Lhan
13 Lhan
14 Liyad/daemonite
15 Liyad/daemonite
16 taga-bundok
17 taga-bundok
18 Pong
19 jasonhamster
20 jasonhamster
21 katrinadanieles
22 iya_khin
23 Kooly Maquoleet!
24 John Muggz
25 John Muggz
26 GOYO
27 bonbon
28 Akoni
29 Ian Austria
30 Michael Angelo Aquino
31 Diamond R
32 Diamond R
33 Leah
34 JAY
35 pilosopo tacio
36 eli-ment
37 YOW
38 Sendo
39 Sendo
40 Chyng Reyes
41 Dlysen
42 JoMi
43 JoMi
44 Titus Angeles
45 LordCM
46 LordCM
47 Au
48 Salbehe
49 Renz
50 Ela Kaimo
51 Kikomaxxx
52 Arnie/ Arsean
53 Rico De Buco
54 Lian
55 OLAN
56 Anna Marie Dalusong
57 Ryan Adik Nga Lambay
58 NoBenta
59 Xander
60 Xander
61 irishibanez
62 irishibanez
63 Amity Young
64 Kosa
65 Bianca Rae Danao
66 Maricel Tan
67 kel octavo
68 Xprosaic
69 Roy
70 Bon Talampas
71 zeb
72 May Matias
73 ZEN
74 ZEN
75 musingan
76 Kim Lim
77 Karlie Bradshaw
78 RJ
79 Ghienoxs
80 InquirerPh
81 MangyanBlogger
82 ESSA PAYOYO
83 ESSA PAYOYO
84 KA-SWAK
85 MD
86 Asiong32
87 bulakbolero
88 bulakbolero
89 The Gasoline Dude
90 Sqwander
91 Karl Marx
92 Mei
93 Mei
94 Leah orange tub
95 Leah orange tub

Gamit ang randomizer ng random.org, tatlong beses nirandomize ang mga numero ng bawat kalahok. At narito ang mga nanalo:

Paki-click na lang ang imahe para makita ng malinaw
10 - EngrMoks - http://mokong2007.blogspot.com/
38 - Sendo - http://sendorero.blogspot.com/2011/06/pakulo-ni-bino.html
88 - Bulakbolero - http://bulakbolerosasg.blogspot.com/2011/06/walang-masama-umasa.html


Congratulations sa lahat ng mga nanalo. Antayin lamang ang email or DM or mention sa twitter para sa iba pang impormasyon tungkol sa inyong domain. Nabanggit ko ba na hindi lang hanggang tatlong taon ang domain? Tama! As long na nagbablog kayo, nakadotcom kayo! Hehehehe.

Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa munting pakulo 3! At dahil may number 3, may susunod pa'ng mga pakulo! Next time, basahin ang instructions para di madisqualify. Salamat muli! :)



June 22, 2011

Blogger's Hot Seat : Madz of M(.)(.)D sWings

34 ang nakaappreciate
Ang ating blogger of the week ay masasabi ko'ng malapit sa puso ko. Madalas ko siyang  ka-chat sa Gtalk at YM. Madalas din ang biruan at palitan namin ng mga banat lines sa twitter. Nakamit nya ang ika-limang pwesto sa 2010 PEBA. Minsan na din niya ako'ng sinabihang suplado dahil sa di daw ako namansin noon sa una naming pagkikita (EB sa SM Megamall). Sorry naman. Hehehehe. Anyway, sa pinakahuling EB namin with JD, yun ang unang pagkakataon na nagkausap kami ng masinsinan tungkol sa mga bagay-bagay. Kung ano ang mga iyon, sa amin na lang yon. So pinakikilala ko sa inyo Si Madz ng M(.)(.)D sWings! Narito ang aking panayam:









Pangalan/Alias: Maridel Mangaron/Madz/hartlesschiq
Blog Name: M(.)(.)d Swings
URL:  http://itsmadzday2day.blogspot.com
Lokasyon: QC
Edad: 24
Civil Status (importante to): Single

Una sa lahat nagpapasalamat ako sa pagpayag mo na maging isa sa mga featured bloggers dito sa Damuhan. Pero ang totoo nama'y pinilit lang kita. No choice ka naman eh. Hehehe.


GENERAL QUESTIONS:


Q: Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.

A. Weekdays – nakaharap sa pc 7- 9hrs nanonood ng series o film habang nagjojot down ng mga salita o eksena na tatanggalin o imu-mute. After nito, isasalang sa editing bago i-line up yung programs para sa isang araw. Sa pagitan ng aking trabaho eh nakukuha ko pang magchat, surf sa net o kaya naman magsulat sa blog. Multistasking kung multitasking talaga. Minsan nagjojogging sa gabi kapag may lakas pa ako. :P

Weekends - maglaba tapos kung ano lang matripan kong gawin

Q: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog. Kailan at paano nagsimula ang [M(.)(.)d Swings]?

A: Hindi ko na matandaan yung exact year kung kelan ako nagsimula, iba’t ibang blogging platform kasi yung ginamit ko (Friendster, Tblog, Blogger etc.). Pero itong mood swings, Feb of last year lang siya, noong nagstart na akong magsulat ng mga kwento.


Q: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?

A: Personal diary yung unang purpose sa akin ng blog. Mga reklamo, moments at kung anu-ano pa na nangyayari sa buhay ko ang laman nung mga dating post. Tapos nung tumagal, lalo na nung nagsasarili na ko dito sa Maynila, ayun nga nagamit ko na siya para mahasa ako sa pagsusulat.

Mas nadadalian kasi akong tumipa sa keyboard kesa magsulat sa papel tsaka pag may revisions, delete lang ng delete. Tamad lang  .

Q: Bakit sa Blogspot ka nagblog?

A: Siya kasi yung una kong nakilala at wala naman akong naging problema sa kanya.User friendly ba. Tapos nagkaroon na ako ng follower dito so hindi ko na naisip na lumipat pa sa iba.


Q: Ano ang kwento sa likod ng iyong alias?

A: Walang pinagmulan yung alias ko, basta naisip ko na lang one time and then yun na yun! Hindi ko na pinalitan eversince.

Q: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa blogging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!

A: M2M (many to mention) LOL parang slumbook lang. Basta, bilib ako sa mga bloggers na walang takot isulat yung nasa loob ng kukote nila, bukas ang isip, yung hindi sumusunod sa kung ano lang yung uso at tumatatak sa nagbabasa yung gusto nilang iparating.

Q:Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?

A: Meeting people from all walks of life and gaining friends.  Thank you so much. Bow!


Q: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito (naloko ng isang blogger, may mga haters etc..) Paano mo ito nalampasan?

A: Hmmm. Ano bang isasagot ko dito??? Teka isip lang ako… Basahin niyo na lang blog ko. LOL

Q: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag

A: Ummm hindi pa naman. Minsan sobrang busy lang sa work o sa family kaya hindi nakakapag-update. Pero yung tamarin? Hindi ko yata kayang hindi magsulat. Swear! 

Q: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?

A: Nagiging busy na ko. Hahahaha


Q: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?

A: Ummmm siguro, mag-enjoy at wag matakot mag-eksperimento. Kung hindi mo pa alam yung niche ng blog mo, go lang magsulat ka lang ng magsulat o magpost ka lang ng mga pictures. Kasi in time makukuha mo rin yung magiging direksyon ng blog mo, kung ano ba talaga ang gusto mong gawin at ibahagi sa iba, 

Q: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?

A: Innovative at creative. Marami kang magugustuhan na basahin kasi iba-iba yung binibigay nila sa’yong impormasyon at kwento. Patok yung mga topic at nakakakiliti ng isip. They finds ways para mas maakit ang mambabasa. Hindi natitigil sa mga letra yung mga akda nila. Nag-eevolve at hindi nagpapahuli. 
Hindi ko maikumpara sa ngayon dahil hindi naman ako mahilig magbasa ng mga blog ng ibang lahi. Siguro dahil na rin mas dama ko yung isinusulat ng mga Pinoy, tagos na tagos. 


PERSONAL QUESTIONS:


Q: Isa ka sa mga bloggers na mahusay magsulat ng fiction. Gaya ni Goyo (www.goyosadventure.com), magaling ka'ng maghabi ng kwento. Napabilang din ang iyong Blog sa nakaraang PEBA o Pinoy Expat/OFW Blog Awards. Ano ang sikreto ng galing mo sa pagsusulat?

A: Puso lang yun men, puso… LOL Salamat sa compliment ser!
Hindi ko rin po alam kung may sikreto ba sa ganyan basta ako kasi mahilig akong gumala. Bukod sa personal experience, ang dami kong nakikita, naririnig at natututunan sa mga gala kong iyon. From there, sumusulpot yung idea tapos yun na tsaraaaan nagiging kwento na.
  
Q: Sino sa Madz sa tunay na buhay? Ano ang pinagkaiba ng Madz sa blogging sa Madz sa personal?

A: Kung anong daldal ko sa blog, ganun naman ako katahimik sa personal. Alam na alam yan nung mga nakakita na sa akin.


Q: Umibig ka na ba sa kapwa blogero?O kaya nama'y may crush ka na isang blogger?

A: Wala pa akong nakakarelasyon na blogger. Yung crush, oo meron.

Q: Minsan ka na rin ba'ng nasaktan sa larangan ng Pag-ibig?
A: Oo naman at hindi lang minsan. Hehe Ako na ang proud...:))


Q: Gaano kaimportante sa iyo ang hitsura ng isang lalaki? Ugali ng isang lalaki?

A: Mas mahalaga siyempre sa akin yung ugali ng isang tao kesa sa kanyang itsura pero syempre hindi mo naman pwedeng sabihin na wala itong bearing kasi yung pisikal na anyo ang una mong nakikita. Sa itsura lang nagsisimula pero yung foundation ng relationship (friendship man o intimate), yung character ng tao ang bumubuo.

Q: Kamusta ang buhay-pag-ibig mo ngayon?

A: Sabi niya, salamat daw naalala mo siya. Mag pagkafickle-minded kasi ‘to eh minsan naghahanap minsan ayus lang siya mag-isa. :D

Q: Ano naman ang tipo mo sa isang lalaki?

A: Dati gusto ko gwapo, tapos naging mabait. Ngayon, kahit ano na basta lalaki! Hahahaha

Q: Kung liligawan ka ng kapwa mo blogero, bibigyan mo ba siya ng chance?

A: Tinatanong pa ba yan? Di ba dapat ginagawa na lang?? haha ako na ang reklamador…

Ang ganda ko naman masyado para tumanggi. LOL Ang akin lang basta sincere siya at totoo siyang tao – as in yung totoo talaga ha yung nakikita at pwedeng hawakan – walang problema.

Q: Heto na ang pagkakataon mo'ng magpasalamat at bumati, magplug ng shows atbp

A: Una, salamat sa’yo Bino dahil hindi ka nagpatinag sa pag-ayaw ko sa pagfeature mo sa’kin dito. No choice talaga eh. Kainaman ka. LOL Pangalawa, salamat sa mga bloggers na naging part na nang aking daily life, personal man o through your post lang.Hindi ko na po kayo iisa-isahin dahil baka wala nang magbasa nitong post na ito sa dami niyo. Basta Thank You! At syempre salamat din sa mga tao na patuloy na nagbabasa ng aking mga akda, sa pagtitiyaga sa pabago-bagong andar ng utak ko. Sana hindi pa kayo nahihilo. 


June 21, 2011

Tag-Ulan na Naman

21 ang nakaappreciate
Sa kabila ng global warming, dumarating talaga ang panahon na kung saa'y laging basa ang kakalsadahan, puno ng tubig sa mga dam, at naglalabasan ng mga payong at kapote ang karamihan. Tag-ulan na naman! Baha na naman sa lansangan ng bayan ni Juan. Malamig na naman ang panahon. Habang sinusulat ko ang artikulong ito, ang lakas ng buhos ng ulan dito sa amin. Halos di ko na marinig ang mga kasambahay ko kapag nagsasalita sila dahil tila sigaw ng sigaw ang ulan. At tuwing umuulan, hindi makalabas ang mga bata at mga sakiting nilalang. Kadalasa'y nasususpinde din ang mga klase dahil sa ulan. Medyo boring nga naman ang hindi makalabas para gumala. Pero ako, naaalala ko pa ang mga ginagawa namin tuwing umuulan na sa aking palagay, hinuha, o opinyon ay ginagawa rin ng karamihan sa ating mga pinoy.


1. Gumagawa ng bangkan'g papel at papaanurin sa estero at kanal. Kahit ba sabihin ng mga matatanda na madumi ito, di namin ito alintana. Nandoong nagkakarera pa ang aming mga bangka. Iba't ibang laki, iba't ibang kulay.

2. Naliligo sa ulan. Asahan mo'ng kahit umaambon pa lang, makikita mo na ang mga bata sa lansangan. Parang mga indyan na nananalangin na sana nawa'y bumuhos na ang ulan para makapaligo. At tulad ng inaasahan, kokontrahin ka ng mga matatanda dahil masama nga namang magpaambon. Kaya kapag maliligo ka sa ulan, siguraduhing diretso banlaw ka gamit ang tubig sa gripo.

3. Kumain ng sinangag at tuyo. Ewan ko kung ano'ng magic ang meron sa kumbinasyon ng pagkain'g ito pero walang isang tag-ulan na hindi kami kumain ng tuyo at sinangag. Parang iba ang ambiance pag nalalanghap mo ang usok ng sinangag at halimuyak ng tuyo kapag umuulan. Sarap!

4. Kumain ng champorado. Isa rin ito sa paborito ko'ng kainin lalo na tuwing umuulan. Lagi ito'ng niluluto ng tiyahin ko sa tuwing malamig ang panahon. Di ko lang nakasanayan na kainin ito kapartner ang tuyo. Pero ayon sa mga matatanda at ibang sabi-sabi, terno din daw ng champorado ang tuyo gaya ng pagiging magkapareha ng puto at dinuguan.

5. Mag-movie marathon. Dati, VHS pa ang gamit namin sa panonood ng pelikula tuwing umuulan. Pero ngayon, DVD na! May kasama pa yang pop-corn o kaya naman ay chicharon.

6. Magbasa ng Liwayway Magazine at Funny Komiks. Noon'g panahon na di pa uso ang computer at psp, ito ang madalas naming ginagawa tuwing umuulan. Awtomatiko'ng ilalabas namin ang mga magazines at komiks na nabanggit at babasahin. Kanya-kanyang puwesto pa kami sa sala. Mayroon'g nakahiga habang nagbabasa. Mayroon din namang nakatayo sa tapat ng pinto. Mayroon ding sinasabayan ang pagbabasa ng pagkain ng tinapay na may palaman'g peanut butter.

7. Magsahod ng tubig-ulan. Sa hirap ng buhay, mahal ang bawat patak ng tubig. Kaya tinuruan kami'ng magipon ng tubig-ulan. Basta siguraduhing takpang mabuti para di pagbahayan ng mga lamok. Kaya tuwing umuulan, nakasahod na ang mga batya at palanggana sa mga butas ng bubong ng bahay namin.

8. Matulog. The best way to enjoy the rainy season lalo na sa mga tambay at loner. Yan ay ayon sa matalik kong kaaway. Sa lamig ng panahon, di mo na kailangan ang aircon. Basta make sure na magigising ka pa ha. Mas ok naman ang walang tulugan kesa walang gisingan.

Ilan lamang yan sa aming mga ginagawa dati tuwing umuulan. Nakakatuwa pa rin talagang balikan ang nakaraan. At mas lalong nakakatuwa na ginagawa pa rin ito ng mga bata sa kasalukuyan.

June 20, 2011

Your Song Presents: All at Once

12 ang nakaappreciate
Reminder: This is quite an emo post. Press the Play button while reading the story. Di ko po inautomatic-play yun song. And it will help if you put your heart sa song at sa conversation. Thanks.



Ang Logo ay ginawa ni Xiano aka Maskman para sa Damuhan's Your Song




videokeman mp3
All at Once – Whitney Houston Song Lyrics

Legend:

"" = dialog
^^= thoughts
%% = song


^Gumising ka na sa katotohanan Jenny! Hindi na babalik pa si Johnny! Kahit ilang beses mo pa siyang hintayin, you cannot deny the fact na wala ka nang hinihintay pa!^

"Hihintayin ko siya, hihintayin ko siya kahit gaano katagal. Kahit habang-buhay!"


% All at once,
I finally took a moment and I'm realizing that
You're not coming back
And it finally hit me all at once %


^ Hindi pa ba sapat sa iyo ang lokohin ka ng harap-harapan? Hanggang kailan ka ganyan? Kailan ka matatauhan?^

" Hindi nya yun sinasadya, lahat nama'y natutukso. At alam ko'ng babalik siya. At muli kaming magsasama sa piling ng isa't isa"


% All at once,
I started counting teardrops and at least a million fell
My eyes began to swell,
And all my dreams were shattered all at once %


^ Ilang beses ka na ba'ng lumuha at umiyak dahil sa kanya?. Hindi na nga bumalik ang dating kinang sa iyong mga mata ^

"Hangga't may iluluha pa ko, kakayanin ko. Hangga't nabubuhay ako, may pag-asa pa na maging kami ulit."


% Ever since I met you
You're the only love I've known
And I can't forget you
Though I must face it all alone %


^Marami pa'ng lalaki dyan! Hindi lang siya! Gumising ka nga!^

"Siya lang ang lalaki sa buhay ko. Siya lang ang gusto ko! Siya lang! Hindi ko siya kayang kalimutan!!"



% All at once, I'm drifting on a lonely sea
Wishing you'd come back to me
And that's all that matters now %


^Ganyan ka na lang ba lagi? Iiyak, magmumukmok at titingin sa kawalan? This is reality Jenny! Love is not like in movies. Hindi laging happy ending^

"Wala ako'ng pakialam. Ang importante bumalik siya.  Yun lang ang hinhiling ko."



% All at once, I'm drifting on a lonely sea
Holding on to memories
And it hurts me more than you know
So much more than it shows
All at once %

^ Bumitaw ka na.. Ang mga masasaya ninyong sandali ay bahagi na lang ng inyong nakaraan. You can't live with the past! Wake up!^

"Yun na lang ang pinanghahawakan ko. Sana kahit man lang dun, maramdaman ko ang kasiyahan na binigay nya sa kin noon."


% All at once,
I looked around and found that you were with another love
In someone else's arms,
And all my dreams were shattered, all at once %


^May iba na siyang mahal. Alam mo iyan. Bakit ba hindi mo matanggap na tapos na ang lahat sa inyo?^

"Hindi! ako ang mahal niya. Binubulag lang siya ng babaen'g yun. Alam ko yun."

^Ikaw ang nagbubulag-bulagan. Ikaw^


% All at once
The smile that used to greet me brightened someone else's day
She took your smile away
And left me with just memories, all at once %


^May iba ng nagpapangiti sa kanya. At kailangan mo na ring maghanap ng tao na muling magbibigay ng ngiti sa iyong labi.^

"But I can't! I just can't! Mahal na mahal ko siya. At sobrang sakit na makita na may mahal na siyang iba."


% Ever since I met you
You're the only love I've known
And I can't forget you
Though I must face it all alone %


"Bakit ba kasi dumating siya sa buhay ko! At baki ko siya minahal. Yun pala lolokohin lang ako. Pero ang masakit, mahal na mahal ko pa rin siya."



% All at once, I'm drifting on a lonely sea
Wishing you'd come back to me
And that's all that matters now %

"Kung pwede na lang na huwag ng masaktan. Kung pwede lang na wala ako'ng pakiramdam. Kung pwede na lang na ibalik ang nakaraan."

^Kung hindi mo kayang masaktan, hindi mo rin kayang magmahal. Pero sa pagkakataon'g ito, labis-labis na ang sakit na naramdaman mo. Kaya oras na para tumigil ka sa pag-iyak.^


% All at once, I'm drifting on a lonely sea
Holding on to memories
And it hurts me more than you know
So much more than it shows
All at once %


"Sa tingin ko tama ka, it's time for me to move on and forget about this shit."

^Finally you realized na marami kan'g naaksayang panahon para lumigaya.^


% all at once im drifting on a lonely sea,
wishing you'd come back to me,
and it hurts me more then you know,
so much more THAN it shows,
all at once
and thats all that matters now
all at once
and im drifting on a lonely sea...... %

^So I guess you're ready.  Aren't you?^

"Yes I am. Mahirap pero dapat ko'ng kayanin. Magmamahal ako'ng muli. At sisiguruhin ko na hindi na ako muling iiyak"

^That's the spirit!^

-end


June 18, 2011

Munting Pakulo 3 Update - Partial List of Entries

Blogger Comment Box temporarily turned off for this post. Facebook Comment Box Only.

Para po sa Munting Pakulo 3 na kung saan mamimigay ng 3-year domain sa tatlo'ng masuwerteng bloggers, narito po ang listahan ng mga qualified entries.Ang pagkakasunud-sunod ay base sa oras ng pagpasok ng komento sa Blogger at Facebook Comment fields.


kikilabotz
KUMAGCOW
khanto
Ester
madz
Empi
Chingoy
palakanton
palakanton
ENGRMOKS
mommyRazz
Lhan
Lhan
Liyad/daemonite
Liyad/daemonite
taga-bundok
taga-bundok
Pong
jasonhamster
jasonhamster
katrinadanieles
iya_khin
Kooly Maquoleet!
John Muggz
John Muggz
GOYO
bonbon
Akoni
Ian Austria
Michael Angelo Aquino
Diamond R
Leah
JAY
pilosopo tacio
eli-ment
YOW
Sendo
Sendo
Chyng Reyes
Dlysen
JoMi
JoMi
Titus Angeles
LordCM
LordCM
Au
Salbehe
Renz
Ela Kaimo
Kikomaxxx
Arnie/ Arsean
Rico De Buco
Lian
OLAN
Anna Marie Dalusong
Ryan Adik Nga Lambay
NoBenta
Xander
Xander
irishibanez
irishibanez
Amity Young
Kosa
Bianca Rae Danao
Maricel Tan
kel octavo
Xprosaic

Ang mga pangalan na dalawang beses lumabas sa listahan ay nangangahulugan na mayroon silang dalawang entries dahil sa pagpost ng nasabing pakulo sa kanilang mga blogs.

As of this writing, mayroon po tayon'g 67 bloggers na lumahok. Maaari pa po kayo'ng sumali! Punta lamang sa link na ito para sa panuntunan at paraan ng pagsali.

Maraming salamat po.


June 17, 2011

Dear Tatay

17 ang nakaappreciate
Dahil sa darating na linggo ay Fathers' Day na, hayaan n'yo ako'ng handungan kayo ng isang sulat ng anak para sa kanyang ama. Ito ay akda ng inyong lingkod at nailathala na din sa June Issue ng The Kablogs Journal.

Dear Tatay,

Bulaga! Kala mo di ako gagawa ng sulat para sa yo 'no? Hindi naman pwedeng mangyari na si Nanay lang ang sulatan ko eh pareho ko kayong magulang. Ganunpaman, pipilitin ko na hindi maging madrama ang nilalaman ng liham na ito. Yun eh kung kaya ko. Alam mo naman na emosyonal akong tao eh. By the way, malapit na ang araw nating mga ama. At kaya ko kayo sinulatan ay para batiin kayo ng Happy Father's Day!

Siyanga po pala, humihingi ako ng kapatawaran dahil maaga ko kayo'ng ginawang lolo. Imagine 'tay, 19 anyos pa lang ako at pagraduate pa lang ng kolehiyo ng biglain ko kayo sa balita na nakabuntis ako. Bagamat hindi ko nakita ang galit nyo, ramdam ko ang disappointment ninyo sa inyong unico hijo. Nag-alala kayong baka hindi na ko makapagpatuloy ng pag-aaral at masira ang kinabukasan ko. Ganunpaman, nakahinga kayo ng maluwag ng makita ninyo akong nagsikap na makatapos. Pinagsabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang paghahanda sa parating ninyong apo. At isang buwan na lang bago ang graduation, sinilang ang batang babae na ngayo'y nagbibigay ngiti sa ating lahat.

Maraming salamat 'tay sa suporta na inyong ibinigay sa akin at sa inyong apo. Bagamat hindi buo ang aking sariling pamilya, hindi ninyo ako pinabayaang mag-isang alagaan at turuan ng mabuting asal ang aking anak. Salamat sa pagta-tricycle ninyo, naibili ko ng gatas ang aking anak noong panahong wala akong trabaho. Salamat sa iyo at di nyo siya pinabayaan ng ako'y magpasyang magpunta ng Dubai para sa kinabukasan niya. Salamat din po sa laging pagpapasensiya ninyo sa katigasan ng aking ulo. Salamat dahil sa bawat pagkadapa ko, nandiyan kayo para muli akong ibangon.

Kung bibigyan ako ni Papa Jesus ng pagkakataon na pumili ng magulang. Buong puso ko pa rin na sasabihin sa Kanya na kayo pa rin ni Nanay ang pipiliin ko. Ang mga parangal na aking nakuha mula sa aking pag-aaral, ang mga promosyon at pagasenso ko sa aking trabaho, at ang isang magandang bahay na kakapundar pa lamang mula sa dugo at pawis ko, lahat ng iyan ay alay ko kay Nanay at sa Iyo.

Ano ba yan! Sabi ko kanina di ako magiging emosyonal eh. Pasensiya na 'tay ha. Minsan ko lang kasi kayong sulatan. Hindi ko naman kayang sabihin ang mga isinulat ko dito sa inyo ng personal dahil baka bumaha ng luha sa buong Muntinlupa. Kaya bago pa tumulo ang luha ko, sasabihin ko na lang dito ang kanina ko pa gustong sabihin:

Tatay, Mahal na mahal kita.

Ang iyong anak,
Juan

June 15, 2011

Bloggers' Hot Seat - Salbe of Salbehe.com (A B N K K blog N P L A Ko?!)

37 ang nakaappreciate
Si Salbe. Maliit na tao pero may malaking... puso. Mabuting kaibigan pero masamang kaaway. At siya ang nasa Hot Seat ngayon ng Damuhan.

Una ko'ng nakilala si Salbe sa isang EB sa SM Megamall kasama ang ilang mga bloggers. Nakasama ko rin siya sa ikalawang Saranggola Blog Awards na kung saan, matapos ang event ay dumiretso kami sa Madison para isang inuman session. Nagkita din kami sa Trinoma nang ibigay ko ang mga libro ni Bob Ong kay Rico. Ang totoo, may pag-aalinlangan ako'ng baka hindi pumayag si Salbe na maifeature dito sa Hot Seat. Kaya naman laking pasasalamat ko ng pumayag siya.

Narito ang nakatutuwa at nakakaaliw na panayam kay Salbe:



Pangalan/Alias: Salve Regina Mogul
Blog Name at URL: A B N K K blog N P L Ko?! (v2.0) at http://salbehe.com
Lokasyon: Quezon City
Edad: 29
Civil Status (importante to): In a relationship.





Una sa lahat nagpapasalamat ako sa pagpayag mo na maging isa sa mga featured bloggers dito sa Damuhan kahit na ang totoo ay pinilit lang kita at bawal tumanggi hehehehe.


GENERAL QUESTIONS:


Q: Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.

A: Ako po si Salbehe, ako ang tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan. Parurusahan kita sa ngalan ng buwan.


Q: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog

A: Dahil sa opisina ako madalas magblog, nagsisimula ako sa pagbubukas ng Notepad. Sa Notepad muna kasi ako nagsusulat tsaka ko pine-paste sa Dashboard.


Q: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?

A: May pasukan ba sa blogging? Bakit walang nagbibigay sa akin ng baon? :(


Q: Bakit sa Wordpress ka nagblog?

A: Dahil mabagal mag-load ang dashboard ng Blogspot.


Q: Ano ang kwento sa likod ng iyong alias?

A: Wala namang likod ang alias ko.


Q: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!

A: Joke lang pala, edi si Yanah. Dahil isa syang malaking joke. Oo, malaki. Beep beep.


Q: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?

A: Mayroong libreng sex.


Q: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?

A: Joke ang sagot ko sa previous question.


Q: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag

A: Mula nang nagsimula akong magblog hindi pa ako tinamad kahit minsan. As in, never. Lagi akong may kwento. Isang walang kwentang trivia, sinungaling ako.


Q: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?

A: Change will happen, nagblog man ako o hindi. It's up to you na lang if the change will be for the better or for the worse. Sa ibang tao, blogging is their life. Life is about growth. Grow with it. Char lang.


Q: Bakit mo naisipan na comments-off ang mga post mo?

A: Para kapag may nagsabi sa akin na "Salbe, magkoment ka sa blog ko.", ang isasagot ko ay "Chura mo, hindi ka nga nagkokoment sa blog ko!"


Q: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?

A: Magsimula sa pagbubukas ng Notepad kapag nagbablog sa opis.


Q: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?

A: Hindi ko maintindihan ang mga Japanese blogger. Dai jyou bu, mu zu ka shi i de su. Wtf?



PERSONAL QUESTIONS:


Q: Sino sa Salbehe sa tunay na buhay? Ano ang pinagkaiba ng Salbe sa blogging sa Salbe sa personal?

A: Maraming nang nakapagsabi na kung ano ako sa blog ko ay yun din ako kapag na-meet mo ako. Ang maling persepsyon lang siguro nila sa akin ay matalino ako.


Q: Umibig ka na ba sa kapwa blogero?

A: Oo.


Q: Minsan ka na rin ba'ng nasaktan sa larangan ng Pag-ibig?

A: Kung hindi ako willing masaktan, sana hindi na lang ako nagmahal.


Q: Kamusta ang buhay-pag-ibig mo ngayon?

A: My boyfriend is great. Sa lahat ng aspeto. Ahihihihi.


Q: Ano naman ang tipo mo sa isang lalaki?

A: Basta may balls.


Q: Heto na ang pagkakataon mo'ng magpasalamat at bumati, magplug ng shows atbp

A: Hi. Hello. I'm fine. Thank you. Sana sa susunod may tanong na sinong blogger ang kinaasaran mo? Yung tipong kapag nakita mo ang pangalan sa comment section ay nag-iinit na ang ulo mo?



Muli, isang malaking pasasalamat sa iyo Salbe! :)

June 13, 2011

Munting Pakulo 3: Pang-Ikatlong Anibersaryong Handog ng Damuhan

99 ang nakaappreciate
Ang pakulo'ng ito ay natapos noo'ng ika-24 ng Hunyo. 2011

Sa ikatlon'g taon'g anibersaryo ng Damuhan sa darating na ika-30 ng Hunyo, 2011, tatlong bloggers ang bibiyaan ng munting regalo. Ito ay ang pagkakaroon ng kanilang sariling domain. You know, dot com. Ito ay bilang pasasalamat sa walang sawang pagbisita at pagbasa ng aking mga entries sa blog na ito. At siyempre, libre ito! Wala ka'ng babayaran kahit utang na loob. Hahaha. Kaya heto na ang mga panuntunan at paraan ng pagsali:

MGA PANUNTUNAN

Tulad ng nabanggit, Tatlon'g blogero ang magkakaroon ng sarili nilang domain (paulit-ulit?)

Ang domain ay good for 3 years. (kasi nga 3 years na ang Damuhan. kuha mo?)

Dating gawi, ito ay para lamang sa mga bloggers sa kahit anumang kategorya maliban sa PORN (iba ang Adult sa Porn).

Pasok ang mga nasa Blogger at Wordpress na platforms.

Ito ay para lamang sa mga Pinoy na naninirahan sa loob at labas ng bansa.

Ang domain ay TRANSPERABLE pero hindi KONBERTIBLE sa cash.

Kailangang ang blogger na sasali ay at least 5 months ng nagbablog. Ganunpaman, kung sakaling manalo, pwede ito'ng itransfer sa baguhang blogger o sa inyong bagong blog.

Kung meron man ako'ng kamag-anak sa blogging, sila ay hindi pwedeng sumali.


PARAAN NG PAGSALI AT BILANG NG ENTRY


Magkomento lamang sa post na ito kalakip ang mga sumusunod na impormasyon.


  • Pangalan o Alias
  • Blog at URL
  • email address 

Magkakaroon kayo ng ISANG ENTRY. Isang blog lang bawat entry. Ang mga multiple comments ay ikokonsiderang isang entry lamang.

Pero kung gusto ninyong magkaroon ng additional 1 ENTRY (optional, hindi pilitan):

  • i-blog lamang ang MUNTING PAKULO 3 sa inyong mga blogs at isama ang link ng inyong post sa inyong magiging komento dito sa post na ito. 
Samakatuwid, ang komento na naglalaman ng PANGALAN/ALIAS, BLOG/URL at EMAIL ADDRESS ay may isang entry samantalang ang komento naman na naglalaman ng PANGALAN, BLOG/URL, EMAIL ADDRESS  at LINK NG POST TUNGKOL SA MUNTING PAKULO ay magkakaroon ng DALAWANG ENTRIES. To summarize:



1 ENTRY

  • Pangalan o Alias
  • Blog at URL
  • email address 

2 ENTRIES

  • Pangalan o Alias
  • Blog at URL
  • email address 
  • LINK NG INYONG POST TUNGKOL SA MUNTING PAKULO



Ang deadline ng mga entries ay sa ika-23 na Hunyo, 2011 11:59 PM Philippine Time. Anumang entries ang pumasok matapos ang deadline ay diskwalipikado. Malalaman kung sino ang tatlo'ng bloggers na mananalo sa ika-24 ng Hunyo, 2011 sa pamamagitan ng ELECTRONIC RAFFLE (NAKS!). Kaya ano pa ang inaantay mo? Huwag mo'ng palampasin ang pagkakataon na manalo ng domain! Sali na!

Para sa mga katanungan, mag-email lamang sa bloggeradmin [at] damuhan [dot] com o i-message ako sa Facebook

Ngayon pa lamang ay humihingi ako ng pasensiya at pang-unawa dahil ito lamang ang aking makakayanan bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa Damuhan.

June 10, 2011

Ika-Labing Walong Palapag

26 ang nakaappreciate
Ilang pulgada na lamang ng paa ni Rachelle ang nakatuntong sa pader. Tiningnan niya ang ibaba nito. Halos kasingliit na rin ng mga langgam ang mga tao mula sa kanyang kinatatayuan. Nasa ikalabing-walo'ng palapag sya ng isa sa mga pinakamataas na gusali sa kanilang lugar. Isang abandonadong gusali.

"Paniguradong hindi na ko mabubuhay kung tatalon ako mula dito" - sambit niya sa kanyang sarili. Dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang isang papel. Muli niyang binasa ang nilalaman ng sulat na ginawa nya habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.

Nanay,


Sa oras na matagpuan ninyo ang sulat ko'ng ito, bali-bali na ang mga buto ko at tiyak na sabog ang aking ulo. Siguro nama'y magiging masaya na kayo dahil ang isang pabigat na tulad ko ay wala na sa buhay mo. Wala naman ako'ng nakikitang masama sa paminsan-minsan ko'ng pakikisaya sa mga kaibigan ko. Sa mata ninyo, wala na ako'ng ginawang tama. Para ako'ng nakatuntong sa numero. Bawat kilos ko, binabantayan ninyo. Hindi na ko naging mabuting anak para sa inyo. Alam ko'ng kapakanan ko lang ang iniisip ninyo pero sobra na! Sakal na sakal na ko.


Humihingi ako ng tawad sa ginawa ko'ng ito.


Rachelle

Itinupi niyang muli ang liham at inilagay sa kanyang bulsa. Buo'ng diin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi alintana ang lakas ng hangin na patuloy na humahampas sa kanyang buon'g katawan.

"Goodbye, cruel world." bulong niya. Idinipa nya ang kanyang mga braso. Handa na siyang magpatihulog mula sa gusaling yon.

"Sigurado ka na ba sa napili mo'ng desisyon?" tila nanigas sa kanyang kinatatayuan si Rachelle ng marinig ang tinig sa kanyang likuran. Dahan-dahan pumihit para makita ang nagmamayari ng boses na yon. Isang lalaki na halos kasing-edad niya.

"It doesn't concern you!" sigaw niya.

Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa kanya. "And what's your reason? Broken hearted? Freedom?"

Natigilan si Rachelle. Di niya alam ang isasagot.

Sumilay mula sa mga labi ng lalaki ang isang matamis na ngiti. Kita'ng kita ang biloy sa kaliwang pisngi. "Sa edad natin, those are the only reasons why we want to end our lives. So alin ang sa iyo?"

"Lumayas ka nga rito! Leave me alone!"

"Do you think your parents will be happy sa gagawin mo? And do you think na mabibigyan ng justice ang mensahe na gusto mo'ng iparating sa kanila? Do you think this can solve all your problems?" sunud-sunod na tanong ng lalaki.

Natigilan si Rachelle. Tila tinamaan sa mga sinabi ng lalaki.

"No one understands me. Hindi nila ako mahal." at unti-unti nang bumuhos ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Ganyan ang dinadahilan ng mga gusto'ng tapusin ang kanilang buhay." sabi ng lalaki. "But if you're gonna do it, huli na for you to know na maraming nagmamahal sa yo. Maraming iiyak at masasaktan kapag nawala ka. Lalung lalo na ang mga magulang mo."

Tuluyan ng natauhan si Rachelle. Bumaba siya sa kanyang kinatatayuan. Tama ang lalaking yon. Napagdesisyunan nyang hindi na muling magpapatiwakal.

"T-thank you." sagot nya sa lalaki.

"Glad you realized what I was trying to say" muling ngumiti ang lalaki

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" muling tanong ni Rachelle.

"Wala lang. Tumatambay. Actually lagi ako dito. Binabalik-balikan ko yung nakaraan ko.. yung mga kagaguhan ko." sagot nito

"Ako nga pala si Rachelle"

"And I'm Mathew Gonzales. Matt for short."

"Taga-rito ka?"

"Medyo. Doon ako nakatira oh!" itinuro ni Matt ang bahay sa di kalayuan. "Yung blue ang bubong"

"As in? Eh di kapitbahay kita. Tabi nun ung bahay nami eh. yung orange ang bubong." sabi ni Rachelle.

"Ok. Sige na, alis na ko. Umuwi ka na at tiyak nag-aalala ang mga magulang mo. Bye Rachelle!" sabi ni Matt at tumakbo na palayo.

"Hey wait, bakit di kita nakikita--"

Hindi na naituloy ni Rachelle ang sinasabi dahil nakapasok na ng pinto si Matt. Nagtataka dahil di niya kilala si Matt kahit magtabing bahay lamang sila. Dito na siya lumaki at nagkaisip. Siguro'y bagong lipat lamang ito.

Napagdesisyunan niyang umuwi. Tama si Matt, nag-aalala na ang kanyang ina.

"Saan ka galing Rachelle? Gabing gabi na ah. Alalang-alala na ko sa iyo. Di mo man lang sinasagot ang tawag ko." ang sabi ng kanayang ina.

Mahigpit siyang yumakap sa kanyang nanay at muling umiyak.

"Nay, I'm sorry. Di ko po kayo dapat sinusuway. Patawarin n'yo po ako."

"Ano ba'ng nangyayari sa yo anak? Tumahan ka na. Hindi naman ako galit"

"Wala po 'nay. Nanggaling po ako sa 18th floor ng abandoned building sa kabila. Then nakilala ko po si Matt. Kapitbahay daw natin siya pero ngayon ko lang siya nakita eh. Dun daw po siya nakatira sa katabing bahay natin. Kilala nyo po ba yun?"

"Matt? Matthew Gonzales?" gulat na tanong ng kanyang ina.

"Opo. Bakit po? Kilala nyo po siya?"

Bilang sagot ay nagtungo ang kayang ina sa sa damitan nito. Kinuha ang isang kahon na naglalaman ng mga litratong pinaglumaan na ng panahon. May kinuha ito'ng partikular na litrato at ipinakita sa kanya.

"Ito ba ang lalaking nakita mo anak?" tanong nito sabay abot sa kanya ng larawan.

"Opo. siya nga po. Pero luma na po iyang picture nay. Bakit may litrato niya kayo. At di ba po ito'ng katabi niya eh kayo nung highschool days nyo?"


"Si Matthew Gonzales, ang first love ko nung highschool. nagpakamatay siya doon mismo sa gusali na pinuntahan mo."

Tumaas ang balahibo ni Rachelle sa batok. Bigla siyang kinilabutan. Muli niyang tiningnan ang larawan. Ibinaling niya ang tingin sa kanyan ina at nalaman niyan hindi lang pala siya ang nag-iisang... Tulala.




June 8, 2011

Blogger's Hot Seat: Steph of Traveliztera

24 ang nakaappreciate
Ang ating blogger of the week ay isa sa mga hottest bloggers sa blogosphere. Mahilig sa YouTube at isang fashionista. Isa siya sa mga may pinakamagandang mukha sa daigdig ng blogging at panigurado'ng marami ang nagkakagusto sa kaniya. Kilalanin natin si Steph, ang babae sa likod ng blog na Traveliztera. Narito ang aking panayam sa kanya:







Pangalan/Alias:Steph / Traveliztera
Blog Name at URL: Traveliztera: Randomly Entertaining - http://traveliztera.blogspot.com
Lokasyon: Australia
Edad: secrettt :P
Civil Status (importante to): Single but not available :P
Youtube Account: youtube.com/mshypersinger




Bino: Una sa lahat nagpapasalamat ako sa pagpayag mo na maging isa sa mga featured bloggers dito sa Damuhan.

Steph: -SUUUURENESSS! :P


GENERAL QUESTIONS

Q: Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
A: Kasalukuyan po akong alagad ng kalusugan... Minsan gumagawa ng weird ('yung tipong sinasama ko sarili ko sa mga movies ni Orlando Bloom) at singing videos tapos nilalagay sa Youtube (youtube.com/mshypersinger) ... Kumbaga gusto kong tumulong sa mga tao physically and emotionally. Naks! Mahilig din akong mag-bloghopping nang di niyo namamalayan. Stalker ako.


Q: Kailan at paano ka nagsimulang mag-blog
A: Matagal na akong mahilig mag-blog. Kung nagka-blogger na nung bata pa ako, malamang nagsimula na ako. Marami akong notebooks at andito pa yung diary ko nung 6 years old ako. Sa mundo ng internet, nagsimula akong mag-blog noong 2002. Xanga, Livejournal, Friendster... Sige lang. May kopya pa ako ng mga dati kong blogs. Syempre teenager, puro personal rants laman ng blogs ko dati (haha!), pero noong tumanda na, kung anu-ano nalang binablog ko. Bilang Traveliztera, nag-focus ako sa TRAVELS tapos naging WEIGHTLOSS tapos kung anu-ano na. Kaya ngayon "RANDOMLY ENTERTAINING" na siya. Observant kasi akong tao. Gusto ko i-share lahat ng pwedeng makatulong sa lahat--lalo na 'yung magpasaya. Pinilit kong gumawa talaga ng seryoso na blog through Traveliztera kasi nga puro kakulitan 'yung posts ko, kaso habang tumatagal, tinatamad na akong mag-blog kasi nga makulit ako, at 'yung blog ko masyadong seryoso. Unti-unting nag-iba ang blog ni Traveliztera. Puro kalokohan na ngayon.


Q: Bakit mo naisipan na pasukin ang mundo ng blogging?
A: Kasi madaldal ako. Marami akong napapansin na mga bagay-bagay na masarap ikwento tapos natutuwa naman 'yung mga nagbabasa--pwera mga skipreaders kasi hindi nila nababasa 'yung best bits. Haha!



Q: Ano ang kwento sa likod ng iyong alias?
A: Si Traveliztera o 'yung isa? Malamang si Traveliztera. Muhahaha. Si Traveliztera, mahilig mag-travel. Marami siyang gustong ikwento na nanggaling sa mga travels niya. Para maiba sana, lahat ng mga nangyaring bloopers sa mga travels niya...Kaso, nadidistract siya sa ibang bagay kaya wala na sa tema 'yung blog niya. Haha.


Q: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag. Kung hindi ma'y magbayad ng 1 libong piso. Joke lang!
A: Inspirasyon ko... Si Orlando Bloom. Joke. Actually, ano ba... Ayoko magbanggit ng certain blogger kasi maraming magseselos... :P Pero walang halong joke-- mahilig ako magbasa ng mga blogs niyo at naiinspire ako sa kung anu-anong posts niyo. ;)


Q:Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
A: Hindi ko ineexpect na magkakaroon ako ng true friends sa blog world. Bilang lang sila. :)


Q: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
A: Hindi maganda?... Hmmm... Siguro 'yung tipong binibisita ka lang kasi may kailangan. Hehe ! Hindi ko na isespecify pero I'm sure lahat naman naranasan na 'yun. Paano ko nalampasan? Move on lang! Hehe!


Q: Dumating na ba sa punto na tinamad ka nang mag-blog? Ipaliwanag
A: Oo naman. Minsan kasi 'yung oras e sobrang kulang tapos minsan sobrang dami mong gustong ikwento pero hindi mo alam saan ka mag-uumpisa... Tapos minsan wala lang talagang inspirasyon. Pero alam mo 'yung pinakatamad kong moment? Nung nag-decide akong gawin si Traveliztera para sa mga seryosong posts. Kaso... MAKULIT TALAGA AKO E! Hindi ko kayang pigilan. Pag gumagawa ako ng seryosong posts, tinatamad na ako, kasi hindi ako 'yun e. Kaya ngayon, bago na. Informal na 'yung blog ko.


Q: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
A: Mas naging makulit ako and mas lumawak pag-iisip ko dahil sa mga iba't ibang opinyon at mga kaalaman ng mga nakakasalamuha ko sa mundo ng blogging. Tsaka 'yun nga... mas naging makulit ako.


Q: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gusto’ng gumawa ng blog?
A: Unang-una sa lahat, mag-blog ka ayon sa interes mo--hindi dahil lang sa ito 'yung "trending" na theme o topic. Nagiging "pilit" 'yung post mo kapag pinipilit mo ngang maki-"in". Mahirap makahanap ng mga interesadong magbasa niyan. Syempre, kailangan paminsan-minsan maki-"in" para mapansin, pero wala ring mangyayari kung hindi naman maayos 'yung pagkagawa mo kasi nga pinilit mo lang. Pangalawa, huwag kang malungkot kapag hindi binabasa ng mga gusto mong magbasa ng blog mo ang mga posts mo. Makukuha mo ang audience na kapareho mo rin ng trip. Promote ka lang, pero huwag kang madismaya kapag hindi mo nakuha 'yung mga gusto mo. Mafifilter out lang naman 'yung mga talagang interesado sa gawa mo. Darating din yan--PARANG PAG-IBIG. Naks! Pero doon sa mga mag-uumpisa pa lang ng blog, may mga etiquettes din sa mundo na ito. Basta matuto ka nalang tumanggap ng mga critics, lalo na kung pagsusulat ang usapan. Like life, blogging does not please everybody. Behlat.


Q: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa iban'g lahi?
A: Mga Pinoy makukulit kung makulit. Minsan sumeseryoso, pero kadalasan, parang puro makukulit. Sadyang masiyahin lang talaga mga Pinoy e, noh? Tsaka kahit gaano kaseryoso ang isang isyu, nahahaluan pa rin minsan ng onting singit ng kakulitan. Alam niyo na 'yun. Nagdadamayan pa sa posts. Mention kung mention e! Parang twitter lang. AT TSAKA PICTURE GREETINGS! USO! LUMELEVEL-UP PA NG VIDEO GREETINGS! :P



PERSONAL QUESTIONS:


Q: Sino si Traveliztera sa likod ng blogging?
A: Isa siyang makulit na tao. Minsan hindi kayang i-blog 'yung kakulitan niya kaya makikita niyong nag-iiba alyas niya at nilalabas niya 'yung alter ego niya sa Youtube videos niya. May drama? Chos.


Q: Nagmahal, umibig, nagkagusto ka na ba sa kapwa mo blogero?
A: Hindi pa e... "PA" talaga. Haha!


Q: Aware ka ba na isa ka sa mga hottest female bloggers? Ano'ng sikreto ng kagandahan mo?
A: Hindi ako aware nung una at hindi ko cinoconsider sarili ko bilang isa sa hottest female bloggers. Taray! Haha! Nalaman ko lang na may ganyang isyu-isyuhan dahil sa pakulo ni Kikilabotz. Nakakakilabot talaga. :P


Q: Ano ang tipo mo sa isang lalake?
A: Hahaha basta ba marunong rumespeto at magpatawa. May listahan ako pero hindi ko sasabihin lahat para naman may suspense kuno. Haha!




Bino: Maraming Salamat.
Steph: Thanks dude! :P



June 6, 2011

Ano Yun? Sorry na Lang?

28 ang nakaappreciate
Tingnan mo nga naman. Lunes na Lunes. Unang araw ng klase ng mga bata sa eskwela. Heksayted much sa kanilang mga bagong gamit sa pag-aaral gaya ng schoolbag at notebooks. Pero ganito ang post ko ngayon. Puno ng angst at rants. Hindi naman pwedeng ipagpaliban pa to. Dahil gusto ko'ng ilabas ang nararamdaman ko.

Akala ko madaling magpatawad. Matapos ang mga nangyari, akala ko ok na. Akala ko accepted na ang mga paliwanag. Pero ang hirap pala. Inaamin ko na nadala ako sa pag-iyak mo, pero matapos ang ilang araw ng pag-iisip, dapat pala naging mas matigas pa ko sa bato. Sabi nila, kung Diyos nga nagpapatawad, tayo pa kaya na tao lang? Pero sabi nga ni Magda ng Mula sa Puso:


"Hindi ako Diyos Fernando, kaya wag mo ko'ng luhuran. At dahil di ako Diyos, hindi ko masasabi kung kailan kita mapapatawad" 


Hindi ko na din alam kung paniniwalaan ko pa ang mga sinasabi mo. Na kesyo naiwan mo ang phone mo kakamadaling umuwi, na kesyo wala kang internet connection kaya di ka makapagonline. Sa totoo lang, nagdududa na ko sa mga kwento mo. Malay ko ba kung stealth mode ka sa YM at pinagtataguan mo ko, kami. Ikaw ba naman ang sumira ng tiwala ko, di mo ko masisisi kung bakit ako ganito ngayon sa iyo. At lalong hindi mo din masisisi ang mga tao'ng nagbigay ng kabutihan sa yo pero sinuklian mo ng atraso. Ano yun, sorry na lang? Minsan, kahit kabitan mo pa ng "super" ang salitang sorry, bale-wala ito. Dahil hindi mo alam kung gaano kalaking perwisyo ang idinulot mo. At isa pa, hihingi ka lang ng sorry sa mga bagay na hindi mo sinasadyang gawin. At sabi nga ni Dao Ming Si ng Meteor Garden:


"Kung lahat nadadaan sa sorry, para saan pa ang parak!"


Hindi ako perpekto. Minsan na din ako'ng nagkaroon ng mga pagkakamali sa buhay. Pero maipagmamalaki ko na hindi ako kailanman nagbigay ng perwisyo sa ibang tao. At hindi'ng-hindi ko sisirain ang pagkatao ko dahil lamang sa pera. Maliit man o malaking halaga, ang kredibilidad ng isang tao ay nasisira ng dahil dito. Lahat tayo may mga problemang pinapasan. Pero hindi ito rason para kalimutan at bale-walain ang tao'ng binigyan mo ng aberya. Mga tao'ng itinuring ka'ng isang kaibigan na sa bandang huli'y bigla mo'ng tinuklaw.

Sayang. Panahon na lang ang makakapagsabi kung mapapatawad ka pa namin. Damage has been done. Ang dating pagkakaibigan na kasing tibay ng pinakamatigas na metal, nabahiran na at tila isa ng kandila'ng unti-unting nalulusaw sa bawat araw. Hindi ko sinasara ang puso ko, pero ito lang ang nasisiguro ko: MAHIHIRAPAN KA NA'NG MULING MAKAPASOK DITO.