Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

January 11, 2012

Featured Blogger for January: Akoni of Akonilandiya

Ngayon'g 2012, muling nagbabalik ang Featured Blogger dito lamang sa Damuhan! Kada buwan, isang blogger ang ating itatampok. Tama kayo ng nababasa, ito ay ating tatawaging Blogger of the Month! Bagung-bago noh? Lol. Matapos makumpleto ang labindalawang bloggers, muling isasagawa ang pagpili sa Blogger of the Year!

Bilang bwena mano, tampok natin ang blogger na nakakuha ng titulon'g R-18 Blogger of the Year sa 2011 The Annual Kalsada Blog Awards ni Zyra ng adodcespresso.com.

Isa rin siya sa mga maswerteng nagwagi sa munting pakulo. Minsan textmate din kami at madalas kami'ng magkausap sa twitter. Isa sa mga kaibigan'g maituturing dito sa blogosperyo. Ating kilalanin ang hari ng Akonilandiya.com: si Akoni, ang ating Blogger of the Month for January.



Pangalan/Alias: Akoni/Jennifer Garner
Blog Name at URL: Kaharian ng Akonilandiya at www.akonilandiya.com
Lokasyon: Riyadh, Kingdom of Saudi Arabaho
Edad: (Secret)
Civil Status: Married…willing to flirt


Bino: Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
Akoni: Alam ko may something talaga sa self ko, hindi ko lang masiguro kung anu ‘yun pero alam ‘yun ng mga kaibigan ko na siyang tunay na nakakakilala sa akin. Sabi nila, mabait daw ako, palakaibigan, palabiro, palatambling? mapagmahal at malambing, saka malandi daw ako pero hindi ako naniniwala don. Pinagkakaabalahan ko ay ang paglingkuran ang mga arabo dito sa opisina, isa akong sekretarya na minomolestiya ang sarili sa gitnang silangan.

Bino: Ano ang kwento sa likod ng iyong Alias?
Akoni: Nung unang panahon, charot!! Expression namin dati ng mga kaibigan ko na lagyan ng “ni” sa dulo ang mga salita namin, Example; Helloni? Akoni! Sinoni? Ikawni? Kamini! So ibig sabihin ng Akoni ay AKO, pero sa salitang Latin, juk, sa salitang bisaya ang ibig sabihin ng Akoni ay Ako ‘to.

Bino: Sino si Akoni sa likod ng blogging?

Akoni: Magkaiba ang Akoni na blogger at ang Akoni sa totoong buhay, parang bumuhay lang ako ng isang character sa internet sa katauhan ni Akoni, pero may mga ugali din naman ito na katulad ng Akoni sa totoong buhay, ang pagiging masayahin at mapagbiro.
Ang Akoni sa totoong buhay ay hindi balahura kung magsalita, ingat na ingat sa mga sinasabi, punong-puno ito ng emotion, respeto at pagmamahal, charot! Palakaibigan lalo na sa mga bata at sobrang marespeto po sa mga matatanda. Hindi umaalis ng bahay lalo na sa gabi, in short tao,ng bahay pero sobrang maloko parin minus the “bastos” words, at hindi malandi.

Bino: Kelan at paano ka nagsimulang magblog?
Akoni: Nagsimula ako magsulat nung 2009, pero sa papel ko lang sinusulat, yung iba sa FB NOTE o don sa Exclusive web site ng School namin. Ignorante ako nun pagdating sa mundo ng internet, kaya hindi ko alam na may ganito pala rito. Nung Jan. 2011 na, dun na ako nagkaroon ng blog site sa tulong naman ni MUSINGAN, siya ang gumawa ng blog site ko, hanggang sa makabisado ko na ang pamumuhay dito sa mundo ng internet, ang dami pala nakikita dito na *censored*, hehehe.

Bino: Bakit mo naisipang pasukin ang mundo ng blogging?
Akoni: Sa kadahilanan gusto ko’ng magkaroon ng pag-aari ko sa loob internet, na galing talaga sa utak ko at maipagmamalaki ko.

Bino: Kaunting kaalaman tungkol sa Akonilandiya.
Akoni: Bakit kaunti lng? Ang Akonilandiya ay tungkol sa kung anu-anong naiisip ko na hindi pangkaraniwan. Mga giniling na kalokohan, mga guni-guning ligaw, mga tinga sa utak at mga personal na storya.

Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag
Akoni: Hinahangaan lang walang inspirasyon, oh my God. Ang mgaEpal.com, kakaiba ang bawat bitaw nila sa mga salitang pinapakawalan, magkahalo ang punch line at kaalaman.

Bino: Kung may hinahangaan kang blogero, mayroon ka ba namang kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Akoni: Wala pa, dahil lahat ko naman gusto ang mga pina-follow ko, gusto ko maging kaibigan sila, yung iba gusto ko lang pagnasaan.

Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Akoni: Ang purihin ang aking puri sa comment box, hahaha, ang sabihan ng “ang galing naman” at makarecieved ng text messages mula sa mga kaibigan ko “May talent ka sa pagsusulat, ang galing mo magkwento at kakaiba ka mag-isip” At ang kyut-kyut ng mukha mo, sex tayo pls. Joke ‘yung huli.

Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?

Akoni: Nung magpalit ako ng URL, nalungkot me masyado dahil nawala lahat ng mga followers ko, kaya nagtiyaga ulet magpromote ng aking blog site, sa tulong din ni MAMA RAZZ. Binabati ko nga pala ang aking mama. Hello mama, nandito ako sa damuhan kumakaway sa’yo.

Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka na magblog? ipaliwanag.
Akoni: Oo naman, masakit mag-isip ng kalokohan, akala ko nga hindi na ako aabot ng isang taon eh. Minsan kasi wala nang maisip na kwento, kahit walang kuwentang kwento wala me maisip, siguro lahat tayo nakakaranas nito.

Bino: Importante ba sa yo ang may magkomento sa mga post mo? Paano kung walang nagkomento?
Akoni: VERY important, dahil dun ko pinapakiramdaman kung magpopost ba ako ulet ng blog o magsasara na. Kung walang nagkomento, hindi ko pa alam…baka maligo me ng asido, juk…next blog ulet, bawi nalang.

Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Akoni: Mas naging bukas ang aking isipan sa mga things-things, nadiskubre ko na may talento pala ako sa pagsusulat, mas na-develop ang sense of humor ko (Mayroon daw ako nito) at nalaman ko na may mga kakaiba pala akong ideas at kwento kahit korni.

Bino: Ano ang dahilan ng iyong pagtatrabaho sa ibang bansa?

Akoni: Tulad ng nangyayari sa pelikula, sinubukan kong hanapin ang aking sarili at dito ko natagpuan sa ibang bansa, kaya iuuwi ko siya pagdating ng panahon, and we will live happily ever after.

Bino: Paano mo nalalagpasan ang tinatawag na homesickness?

Akoni: Pagmamahal at pagnanasa lang sa sarili ang kailangan upang malampasan ang homesickness, dapat 2 times a day lang, bago maligo at bago matulog.

Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gustong gumawa ng blog?
Akoni: Maging palakaibigan sa mga kapwa bloggero, wag ka muna mag-skip read sa mga post dahil gawain lang ‘yan ng mga eksperto at beterano na sa pagbablog, mabibisto ka kapag ginawa mo ‘yan, bad shot ka na agad.  Magsulat lang kapag handa ang utak mo, ang mga daliri at ang computer. Kung gusto mong gumawa ng blog, gumawa kana, wag mo nang pagplanuhan, malalaman mo naman ang lahat ng katanungan mo kapag may sarili ka nang blog site, magsara kapag di mo nagustuhan.

Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa ibang lahi?

Akoni: Wala akong pina-follow na ibang lahi, sa chat lang may mga customers minsan na ibang lahi. Masasabi ko sa Filipino Bloggers, hanga ako sa kanila, magagaling, lalo na sa pagpapatawa. May angking talento talaga ang mga Pilipino pagdating sa pagsusulat, nakakalungkot nga lang wala masyado tumatangkilik sa mga sulat/gawa natin/nila, kaya ung iba hanggang blog nalang sila, natatakot na ilabas dahil hindi tinatangkilik masyado.

Bino: I-describe ang iyong blog gamit ang sampung salita lamang.
Akoni: Mga giniling na kalokohan, mga guni-guning ligaw at mga tinga

Bino: Kung meron ka’ng gusto’ng pasalamatan, eto na ang iyong pagkakataon:

Akoni: Una, maraming salamat sa iyo Bino, dahil ako ang napili mong pangbungad sa “featured blogger” mo sa taon 2012, ibig sabihin nito ay aabot pa ako ng December 20, 2012. Orgasmo ang naramdaman ko nung sabihin mo sa akin na ako ang mapi-pi-feature, ganito pala ang feeling ng ini-interview, feeling sikat tuloy ako, ahehehe. Maraming salamat sa’yo dahil binigyan mo ako ng pagkakataon ipakilala ang aking sarili sa ibang bloggers na hindi alam ang aking Kaharian. Oo nga pala, sabi mo hindi ito hot seat, featured blogger ito, aasa ba ako na maupo sa hot seat?
Sa mga basahero ng Akonilandiya (4 or 8 ata), maraming salamat sa inyo sa patuloy na pagsuporta sa mga sulatin ko. Kung wala kayo, siguro matagal na akong tumigil sa pagsusulat, yun lang naman ang dahilan ko kung bakit hanggang ngayon ay nagsusulat pa ako, ang may magbasa at syempre mag-iwan ng komento, sige na nga, puwede na ang mga skip readers, thank you din sa inyo, naiintindihan ko kayo, ramdam ko kayo, ahehehe.
MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG SUMUSUPORTA SA AKIN, AT SYEMPRE WALANG SALAMAT SA MGA HINDI SUMUSUPORTA SA AKIN!




42 ang nakaappreciate:

  1. Replies
    1. hehehe sabi ko nga imposible namang babae un kasi medyo naughty ang sulat

      Delete
  2. Sana may hot seat and blazing hot questions katulad ng:

    1. ano ang kulay ng utot kapag ang tao ay inspired? hahaha.

    Kudos sa blogger of the month! sino kaya sa february?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay hindi ko na ginawa eh. ang hirap kasi mangalap ng tanong lol

      Delete
  3. Ang landi mo Akoni!hahahaha

    ReplyDelete
  4. Akoni, congratulations! Nalito tuloy ako dahil di ko alam kung gusto mo akong kaibigan o pinagnanasaan mo lang ako. Di bale, sanay na ako na katawan lang ang gusto nila sa akin. Binabati kitang muli.

    ReplyDelete
  5. Bakit Jennifer Garner? Hmmm may pagnanasa? Lol

    pagnanasa sa sarili talaga e no... haha

    ReplyDelete
  6. wow anlaki ng butas sa ilong..wahahaha! juk brother JULIO!

    sana may hotseat talaga, magpapaka anon ako dun tapos tatanongin kita ng mga balahurang tanong..humanda ka!! lol

    ReplyDelete
  7. pareho tayo gasoline dude. akala ko girl si akoni.. hahaha. anyway, ito pala si akonilandiya hehehe!

    ReplyDelete
  8. ganda nman pangbungad ang blogger of the month isa sa mga kalog na magkwento at hinahangaan ko!
    sana my hotseat ulit!
    hirap tlga ako basahin ang akonilandiya kala ko dati akonilandiniya di pala.... [joke] [hehe]

    ReplyDelete
  9. di ko nagets yung sa homesickness... hehehe

    pero natutuwa ako sa nabasa ko ah, lalo na dun sa skip reading, minsan kasi gawain ko magskip read.. hahaha

    ReplyDelete
  10. Artista na! Inaabangan ko talaga tong umusbong eh, so ito na nga yun. Ang makabagong Xerex Xaviera sa makabagong henerasyon. Aabangan ko lagi ang isinusulat nito.

    ReplyDelete
  11. grabe til now nagkakamultiple orgasm parin ako dahil sa tuwa..Maraming salamat sa lahat lalo sa'yo bino...natawa ako sa comment ni dudegasoline at LHAN + LHAN = LHANLHAN. Kinilig me,tatlo na kayong napagkamalan akong babae..LOL
    Salamat sa lahat ulet!

    ReplyDelete
  12. Oo nga pala, bino may mga nagdedemand ng HOT SEAT, paano na 'yan? LOOOLLLL

    ReplyDelete
  13. nakakaaliw basahin hahahha..

    ayos may bago n namang blogsite na buburautin este babasahin :D

    ReplyDelete
  14. Putek ka natawa ako dito...

    Bino: Paano mo nalalagpasan ang tinatawag na homesickness?
    Akoni: Pagmamahal at pagnanasa lang sa sarili ang kailangan upang malampasan ang homesickness, dapat 2 times a day lang, bago maligo at bago matulog.

    salamat sa suggestion.. may panlaban na ako sa homesickness...

    ReplyDelete
  15. lol sa reality picture!hahaha

    malandi ka tlga!haha
    astig sumagot,mgandang pambungad para sa taong ito.

    Sikat na sikat na! :)

    ReplyDelete
  16. Binoto kita ahahaha :P

    Ahhh kaya pala akoni! hahaha nakakaintindi ako ng bisaya kaya okay gets na gets!

    mabait ka naman talaga at may talent sa pagsusulat e!

    natawa ako sa photo mo haha! nice to meet you! :D

    ReplyDelete
  17. ahahah.. Umekstra pa ako sa sagot ni Akoni... eheheheh.... mabait yan si akoni.. at maukilit... ganito lang yan.. kung mga babae ang pinapalo ni AKONI.. gusto niya yan maging kaibigan.. pero kung lalake ka.. tulu laway na yan siya at gusto kka niyang pagnasaan.. ehehehe.. di niyo ba yan alam. myembro yan siya ng mga mahaderang charot...

    ReplyDelete
  18. sikat na si tol akoni hehehehe...

    ReplyDelete
  19. Yehey! Nasa damuhan na anak ko, sikat na panganay ko!! HELLO DIN SAYO ANAK, yahoooo lets celebrate!! Hehe!

    Actually sa picture pa lang kinabahan na ako, sabi ko ito na! haha! Akala ko kong ano ano na naman sasabihin niyang kalokohan.. nakahinga ako ng maluwag ng matapos kong basahin na wala naman, para sa hotseat pala ung gnon, loydi huwag mo sanang maisip ibalik ang hotseat hehe! Oh ayan, dba ang ganda ng mga sagot niya, im proud of you anak..

    tnx loydi!!!

    ReplyDelete
  20. ahhh.. dami ko na knows at nasite dito ha! haha.. keep it up kuya habib :) isa kang idolo. Yaan mo ipagtatayo kita ng museo pag nanalo ako sa lotto . lol haha

    ReplyDelete
  21. congrats kuya akoni. naloka ko sa sagot mo sa paano mo nalalagpasan ang tinatawag na homesickness..akala ko seryoso na eh, medyo nagprocessing pa bago ko narealize hihihi

    ReplyDelete
  22. akoni pa-otograp!!

    salamat at hindi ka suplado, lalo na sa bagong tulad ko, na umi-epal-epal sa blogosperyo.

    sana'y lumawak pa ang iyong kaharian, mabuhay ka!

    ReplyDelete
  23. Wow Akoni! Congratulations, isang karangalan ang maging Featured Blogger ng Damuhan.com!

    ReplyDelete
  24. Yaaay! si Akoni! hehe.. Congratulations! :D

    Ay yun pala yun.. ngayon alan ko na yung meaning ng blog title mo, talagang merong LANDI na word ha.. Ako, nilandi nya. Nilandi ka nya? Sino? LOL..

    Natawa ako sa "pagnanasa sa sarili".. hahaha! kaw talaga Akoni.. landi mooo!! LOL..

    R18 ngang talaga.. pero benta naman! Congratulations! :D

    ReplyDelete
  25. bwena mano sa taong 2012!! masayang makilala si Akoni, kase talented! hahah!

    gusto ko ung header ng blog nya! napaka natural lang hahaha

    taragis! ^^

    ReplyDelete
  26. Parang may naramdaman akong kakaiba.. hehe.. Para kay akoni, naku kapatid ang smart ng mga sagot mo. lalo na yung mga payo mo. Palagay kasilayan namin ng konti ang tunay na akoni. More power kapatid. :)

    ReplyDelete
  27. Salamat Akoni, you just made my day.

    Laugh trip, sobra!

    ReplyDelete
  28. Akala ko dati porn site ang blog niya. LOL. Nice knowing you more Kuya Akoni. :) Bakit hindi na hot seat?

    ReplyDelete
  29. i enjoyed the interview, sobra! para sakin panalo ka akoni!

    ReplyDelete
  30. AKONI is also a visayan word and tama yong meaning na AKO, simple me!! yon pala yon!!! naphotoshop ba ang picture? hahahaha hayop model na model!! hehehe

    ReplyDelete
  31. Astig, dito ko lang napansin na may reply feature na rin pala ang blogger.com sa mga comments. Wew!

    ReplyDelete
  32. tawa ako dun sa pagnanasa sa sarili...sobrang vain lang ...haha..ayos!

    ReplyDelete
  33. Boy pala si Akoni?! Hahahaha

    ReplyDelete
  34. Salamat sa lahat!! :) at pakiss sa mga nag-aakalang babae me..LOL

    ReplyDelete
  35. Ay si Akoni hayup talaga yan... bagay na bagay sa kanya ang award LOL

    ReplyDelete
  36. Hahaha! In fairness, natuwa at natawa ako kay Akoni. :)

    ReplyDelete
  37. Sa mga sagot ni Akoni sempling swabeng matinik dapat ka talagang manalong R-18 blogger.

    ReplyDelete

Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!

Hindi man po ako nakakacomment sa mga posts ninyo, asahan ninyo'ng binabasa ko po ito. :)