I have been blogging since 2005 noon'g panahon pa ng G-blogs at Friendster blogs. Parang wala na ako'ng bago pa'ng maisusulat. Wala na ko'ng kwenton'g maisip. Ubos na ang love stories. Naubusuan na din ako ng humor.
Iniisip ko na nga rin na gawing private to'ng blog ko. Hindi na ako ang dating anonymous. Marami na rin halos ang nakakakilala at nakakaalam ng blog ko. Kaya yung mga personal posts, nabasa na din nila. Nakita na nila kung gaano ako katanga sa pag-ibig, kaduwag sa isang relasyon, katamaran sa trabaho at kung anu-ano pa. Naging open na masyado ang pintuan ko.
Mukhang wala na ako'ng maitatago pa. Lantad na lantad na kung sino si Bino sa mga kakilala ko. Di ko man binigay ang pangalan at URL ng Damuhan sa kanila, may mga kakilala pala silang nagbabasa ng blog na ito. Kaya natunton ako.
Yeah, tinatamad ako. Gusto ko'ng gawing pribado ang blog ko. Pero I keep asking myself: "Handa ba ko? Kaya ko ba?". Ako ang tao'ng hirap mag-let go at alam iyan ng mga closest friends ko. Kaya ko ba'ng hindi na magblog? Kaya ko ba'ng ihinto ang ilang taon ko ng ginagawa?
Love month ngayon. Kailangan ko lang siguro ng lovelife.
OMG!
hahaha .. natawa ako sa ending...
ReplyDeleteeh ang bottomline naman pala eh yun lang.
sabagay ramdam kita jan.
parehas tayong walang lovelife.
nkakadepress no? lolz
wag. kelangan mo lang ng love life! GO!
ReplyDeleteim sure di mo kakayanin hindi mag blog, ako nga isang taon lang sa blog world super lungkot ng accidentally deleted blog ko pero ito gumagawa ulit.. it will take time pero babalik din ako soon.. -mommyRaz
ReplyDeleteAng tanong mo, sasagutin ko:
ReplyDeleteHindi ka handa, hindi mo kaya.
Kaya tuluy-tuloy lang sa pagba-blog.
Kagaya ng lagi kong sinasabi, love will come to you when you are ready. Hindi iyan hinahanap o hinahabol. Parang paru-paro lang. Lalo mong habulin, lalong iiwas. Kusa iyang dumadapo sa bulaklak kapag ready na ito. Kaya instead of pursuing love, ask yourself if you are ready to receive it.
sige lang!! i-connect mo ang mood swings mo sa love month!! hehe
ReplyDelete>> natural feeling lang yan!! lahat tayo nararanasan yan!!
>> pero isipin mo nalang ang 2ng naunang nag comment sa post mo sa mga susunod pa saken!!!
>> don't give up!! nyahaha
>> siguro nga kelangan mo lang ng love life!!!
>> happy hearts day ♥
>> nyahaha :) bagal ko mag type!! naging lima na tuloy sila!!!
DeleteAww..Lovelife lang talaga solusyon dyan.. Dali!! Maghanap ka! :p
ReplyDeleteMinsan ko na rin naisip isara ang blog ko. Minsan na rin ako tinamad. Pero hindi ko kinayang gawin, kasi feeling ko pointless naman kung isasara ko siya. Hindi naman ako sikat na blogger, at walang kamuwang-muwang ang blog kung pagbabalingan ko siya ng lungkot o galit. Kumbaga, wala siyang laban. I think it's ok kung tamarin ka lang. Lahat naman ng blogger pinagdadaanan un eh.
ReplyDeleteBesides, kahit may lovelife ka, kung tinatamad ka, tinatamad ka talaga, walang kinalaman si jowa-ers. I suggest, wag mo na isara ang blog mo. Hayaan mo lang siya sa online world. Pasasaan ba, ang mga mangyayari pa sa iyong buhay ay magiging inspirasyon mo ulit sa pagsusulat. Ikaw pa! You'll do well, Bino.
So blog ko 'to? Bakit ang haba ng sinabi ko.
Cheers!
hmmm, maybe you want to enter the niche called "Travel Blog" which where I belong..
ReplyDeletemasaya doon :) pwede ka humugot nga inspiration sa mga lugar na binibisita at sa mga taong nakakasalamuha sa lakwatsa.
When Robbie (creativedork) entered the world of travellers, na-adik sya, ngayon travel buddy na namin sya :)
cheers Bino.
hiatus k n lng muna, wag mo isara blog mo.
ReplyDeleteteka, no balita ke suplado? hiatus b sya o totally closed n din blog nia?
Maka-attitude ka naman sa sarili mo wagas!
ReplyDeleteAlam mo pareng Bino ganyan talaga ang buhay artista, wala ka ng matatago sa lipunan. lels
kung gusto mo mag private blog, gawa ka na lang literal na diary, gaganda pa permanship mo lels. :D
lumandi ka ng konti... dali! lol
ReplyDeleteSinagot mo ang mga katanongan mo..Kailangan mo ng lovelife, siguro.
ReplyDeletelahat tayo'y hahantong sa punto na tatamarin na magblog o mawawalan na ng gana..kung sa tingin mo, ito na ang oras mo. GO lang. Pero wag isara, para may balikan. Kasi once a blogger, always a blogger.
una sa lahat.. wag mo ihinto.. sayang naman... pwede naman magrest muna eh, wala namang nagsasabi sa ating mga bloggers na magpost minuminuto or araw-araw.. :)
ReplyDeletesecond, wag ka mag-alala di ka nag-iisa sa mga taong nahihirapan na magpaka-anonymous sa blogs nila.. marami kayo... baka nga pati ako eh may nakakakilala na ( nagtatago ako sa work ko, hindi nila alam na blogger ako at nagbloblog ako sa mismong trabaho time ko :p )
last, kung love life ang issue, ahmmm.. wala ako mapapayo.. hahahah.. bokya rin love life ko this year (lagi naman! LOL)... so in short.. rest-rest muna! malay mo bukas makalawa, ganahan ka ulit :)
yun lang po! :)
Correct... Heheh. Mag rest ka. Post ka lang nang mga quality topic at wag naman i araw-araw baka sa huli ma realize mo na naubos na lahat nang topic na pwede mo pang i share sa blog mo. hehehe. Very good blog.
ReplyDeletedumating din ako sa point na tinamad akong magblog. napabayaan ko ng ilang buwan o halos isang taon yung blog ko..kababalik ko nga lang eh..anyway..ang gusto ko alng sabihin eh mahirap iwan ang blogging lalo na sa tulad mo na matagal ng nagbablog. tulad nga ng lagi nilang sinasabi once a blogger always a blogger. =D pahinga ka na lang po muna balik ka na lang kapag ok ka na =D
ReplyDeleteUuuyyy.. may m(.)(.)d swings. LOL. Wag ka na kuya. Pahinga lang ang katapat niyan. Tignan mo ako, wagas na nagpapahinga. Walang pilitan, makakapagsulat ka din ulit. At maganda nga siguro, humanap ka na nga bagong inspirasyon. Nakanangtooch. I'm sho sherious!
ReplyDeleteEksaherada ka! Lovelife lang ang sulosyon jan para tuloy pa din ang pagsulat tungkol sa pag-ibig! lol
ReplyDeletefeel ko kailangan mo lang talaga ng inspirasyon. gusto mo tulungan kita sa lovelife mo? hahaha
ReplyDeletedont stop!
ReplyDeletewala k lng date sa feb 14 kya gnyan ka. haha!
I feel for you ... lalo na nga in my case na daily pa ang updates ... but still surviving ... but I don't know until when he he he ... yes dumating din ako sa puntong ganiyan ... every blogger is ... at buti ka pa nga daming nagko-comment sa bawat post mo ... sa akin nga madalang pa sa patak ng ulan he he he ... it's because comments always boost every bloggers moral para magpatuloy ... but then again sabi ko na lang is even though madalang ang comment , the only consolation is I am expressing and writing myself to the world ... kahit hindi ma-appreciate okay lang ... basta I love what I'm doing and sincerely devoting my time to it ... Happy blogging ... just rest lang muna ... hindi ka naman obliged to blog daily unlike me he he he ... kung ak nga kaya ko , 'kaw pa hindi ... cheers :)
ReplyDeletelol bff lovelayp lang pala ang katapat!!! hahahah
ReplyDeletesya nga pala...ako din tinatamad na....handa ko naman talikuran 'tong lahat basta hilingin ng mahal ko...kahit FB iiwan ko pati na din tweeter at lahat-lahat na ng social network....
ReplyDeletePS:humahaba ang ilong ko!
mayamaya dadating na yan lablyf at pagnangyari yun,5post per day ka nyan hehehe
ReplyDeleteganyan na rin na-eexperience ko ngayon. mag2 years pa lang ako nahihirapan na ko magmaintain ng blog dahil kulang sa oras. work kasi e.
ReplyDeletePag may pinagkakaabalahang kang iba malamang tatamarin ka ng mag blog lalo na pag naumpisahan mo ng di mag update.Pero sayang naman kasi magaling kang magsulat. Kung sa mga tulad ko lang naman ok lang ang tumigil na. Hanap ka muna ng love life agree ako diyan.
ReplyDeleteKeep writing dude.parte ka na sa araw-araw na buhay ng mga OFW around the world.