Bigla-bigla na lamang, ikaw ay dumating
madilim ko'ng daigdig binigyan mo ng ningning
Tuwang tuwa ang puso ko at napapatalon
para ka'ng isang diyosa, sa karagatan ay umahon
nabigyan ako ng pag-asa na magmahal muli
sa tulad mo'ng binibini na walang nagmamay-ari
ako ay naghanda para ikaw ay aking suyuin
handog ko ay pag-ibig, kailanma'y di magmamaliw
ngunit ang pana ni kupido ay sa iba tumama
natuon ang iyong pansin dun sa lalaki sa Maynila
subalit di ako susuko at hindi magpapatalo
Pagkat "may the best man win", yan ang aking motto
Ilang bulaklak at tsokolate ang iyong tinanggihan
Sinabi mo sa aking siya na ang iyong kasintahan
Ako ay nalumbay sa iyong mga tinuran
daig pa ang isang sundalo na sumuko na sa laban
Lumipas ang mga buwan at kayo'y naghiwalay
Sa kalungkutang taglay, muntik ka'ng magpakamatay
Kumatok ka sa aking pintuan, maga ang iyong mga mata
pinagaan ko ang iyong loob, nangako'ng di ka na mag-iisa
tatlong araw mula ngayon, anibersaryo na pala natin
di pa rin makapaniwala na ika'y naging akin
ika'y nagpasalamat at ika'y hindi iniwanan
dahil mahal kita magpakailanman, yan ang aking dahilan
aayyii... ang keso ng mga bawat linya... lalao na to...
ReplyDelete"dahil mahal kita magpakailanman, yan ang aking dahilan"
(pwede naman palang sa reply na lang magcomment, di ako makapag-comment directly as comment. ano daw gulo noh)
Deleteanyway. mukang napakalalim ng pinaghugutan nito ah. ikaw na mr. romantiko! libre!!! lol
buti na lang...naging 'iyo siya. Ayos!
ReplyDeleteyaan ang sinabi nila na "love is patience"
like!
ReplyDeleteheheehe.
awwww... ang sweet. yan ang dakilang pagmamahal... sana marami pang lalakeng katulad mo. :)
ReplyDeleteang cute lang ng tula :)
ReplyDeletepositive vibes lang sa isang napakainit na umaga ^_^
ganda nman ng ending at such a nice poem!
ReplyDeleteWow! How sweet it is to be loved by you hihihi
ReplyDeleteang sweet sweet sweet naman nto oh :p
ReplyDeleteAng senti ko ngayon kaya medyo naluha ako rito... awww
ReplyDeleteyan ang tinatawag na destiny. di pa right time nung umpisa kaya sa iba siya napunta pero dahil nga kayo talaga ang tadhana eh nagkrus ulit ang landas nyo at dyaraan!3years na kayo mr romantiko. =D
ReplyDeleteAwwwww...... hihi. Ang nice! Happy ending naman pala. :D
ReplyDeleteYou nailed it Bino! Sweetness to the highest! :)
ReplyDeletemanunula talaga! galing! =)
ReplyDeleteButi na lang sila ang nagkatuluyan. Siguradong hindi na siya luluha ulit kasi natagpuan na niya ang taong tunay na nagmamahal sa kanya.
ReplyDeleteNice blog !!
ReplyDeleteMahusay! tagos sa puso!
ReplyDeletefirst time ko mapunta dito, hope to read all you post!
matayog na langit, pagsintang kawangis
ReplyDeleteabot ang banggit, di maliligis
ikaw at ako, sa pinto ng pag-inig
salamat sa'yo sa kusang paghilig