March 15, 2012

Aba Ginoong Barya

Aba ginoon'g barya napupuno ang alkansya
ng kawani ng pamahalaan, pinapahirapan ang masa
dugo't pawis ang puhunan ng ating kababayan
bigla-biglang minamagic, napupunta sa kawalan

ilang taon ang lumipas, pangulo ay papalit-palit
ngunit bakit hanggang ngayon di gumagaling ang sakit
sa halip paulit-ulit suliraning nararanasan
di malutas ang problema sa korapsyon at kahirapan

tayo ba'y bulag-bulagan sa tunay na sitwasyon
hindi nagsasawa sa mga welga para pabagsakin ang administrasyon
ngunit ano ang kapalit, isa'ng bagong mamumuno
magpapakitang-gilas sa simula, bandang huli ay susuko

hindi naman dapat ganito kung tayo'y may pagkakaisa
sa higit pitong libong isla, tayo ay magsama-sama
bawat isa ay makinig, walang pataasan ng ihi
upang tayo ay umasenso, bandang huli'y magwawagi

Patuloy ako'ng naniniwala'ng balang araw ay bubuti
Ang bayan'g sinilangan, mawawala ang dumi
Kung tanong mo ay kailan, posible nga ba'ng mangyari
Sa totoo lang di ko alam, pero hindi imposible

Walang solusyon na inilahad ang tula'ng aking ginawa
subalit panalangin at pag-asa ay hindi mawawala
sa tulad ko'ng mamamayan na mahal ang Pilipinas
Sa kalbaryong pasan-pasan, ito'y ating maililigtas




14 comments:

  1. shyvixen (aka Gina este Karen)March 15, 2012 at 9:02 AM

    kainaman... ang galing ng iyong gawa sir bino.. :D

    ReplyDelete
  2. hayz,nakakainis lang isipin mga problema ng bayan. tapos imbes na problema ng lipunan ang asikasuhin ng mga namumuno, sila pa ung pinakaunang problema ng lipunan..

    LordCM

    ReplyDelete
  3. check na check ang nasasaad sa poem.

    ReplyDelete
  4. tama, wag welga ng welga tapos pag di nagustuhan ang nakaupo welga agad... tsssk...

    ReplyDelete
  5. ikaw na ang manunula! ^^ galing pre!

    ReplyDelete
  6. haha mahal ko ang pinas pero i hate the officials here. tsk

    ReplyDelete
  7. ikaw na nga! tumakbo ka kayang presidente kuya bino? lol

    ReplyDelete
  8. wow...sa bibihirang pagkakataon akong makabasa ng tula sa'yo, sir bino, 'tong isang 'to eh talaga namang punong puno ng pagsalamin sa makabayan mong puso.

    hanggat ang pulitiko ay pulitiko at hindi lingkod bayan...

    hanggat ang mamamayan ay nakatingala habang sinasambit ang 'bahala na si batman...'

    pero hopeful pa rin siyempre tayo. magandang araw!

    ReplyDelete
  9. Ibalik ang Martial Law!!!! :p

    Hayz. Nakakalungkot noh? Ewan ko lang kung mababago pa at magagamot pa ang sakit ng lipunan. Ang mga taong dapat sana'y naninilbihan sa mas nakararami, sila ang ang nang-aapi. Ewan ko.. wala akong tiwala.. Puro korapsyon. LIbre ngang mangarap, pero ewan ko na lang kung magagamot pa yan.

    ReplyDelete
  10. Kung magtutulungan lang sana ang lahat magiging maayos din lahat. Kaso ang mga mismong namumuno satin ang magulo at nagkakaalitan. HIndi na din natin alam kung sino ba talaga ang pwedeng pagkatiwalaan.

    ReplyDelete
  11. ganda ng tula pre!
    sana mabasa eto nila lolong ng gobyerno!
    klap klap pre!

    ReplyDelete
  12. doon ay meron, sa akin ay wala
    sa'n ibinaon kung mali ang birada
    anong pagkakataon sa dahil at akala
    taon-taong kinaon, sa bakit at hinala

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.