Pangalan/Alias: Alex / The Gasoline Dude / Gas Dude / Gasul
Blog Name at URL: http://www.gasolinedude.com
Lokasyon: Singapore, Singapore
Edad: 30
Civil Status: Single
Bino: Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
Alex: I’m currently based in Singapore, working for a travel magazine as an Account Manager. Tatlong taon na akong nakikipagsapalaran sa ibang bansa. I’m already in my 30s, but I don’t really feel that old. Sabi ng Nanay at mga kamag-anak ko guwapo daw ako, at naniniwala naman ako. By the way, I’m a Christian.
Bino: Ano ang kwento sa likod ng iyong Alias?
Alex: I used to work for an oil company in the Philippines. Alam niyo ‘yung malaking gasolinahan sa SLEX na nagsisimula sa letter ‘P’? Dun ako nakatira ng halos dalawang taon nung nasa Pilipinas pa ako, at dun din ako nagsimulang mag-blog. Kung lagi kang napapadaan sa SLEX para magbakasyon sa Tagaytay o sa Laguna at lagi kang nagsa-stopover dun sa istasyon para magpagasolina o kaya'y magkape sa Starbuck’s, baka nakita mo na ako dati na naka-uniporme at laging bumabati sa mga motorista ng “Full Tank Sir/Ma’am?”
Bino: Sino si GasDude sa likod ng blogging?
Alex: It’s a little ironic as I consider myself as a private person, pero bina-blog ko ang mga experiences ko sa buhay at nababasa pa ito ng iba. But my blog is just a glimpse of who I am in totality.
Bino: Kelan at paano ka nagsimulang magblog?
Alex: I started blogging in November 2007. (More than 4 years na din pala akong blogero, ano?) Paano ako nagsimula? I used to like this girl who is a blogger. We used to hang-out at iniistalk ko siya dati sa blog niya without her knowing (or so I think). I was waiting for her to blog about me, but she never did. I guess the feeling wasn’t mutual. *emo mode on*
I became familiar with the concept of a ‘blog’ because of her blog. I got so curious, so I started my own.
Bino: Bakit mo naisipang pasukin ang mundo ng blogging?
Alex: As I said, I got curious. Saka magandang therapy ang blogging. EMO blogger ako dati na madaming hang-ups sa buhay. EMO blogger pa din naman ako ngayon but I must say, magandang practice ang blogging sa thought analysis and somehow made me become more reflective and mature.
Bino: Kaunting kaalaman tungkol sa Gasolinedude.com
Alex: The new layout of my blog was done by the son of the present congressman of a province in Mindanao, specifically in the ARMM Region. Thanks M! Apir!
Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa blogging? Ipaliwanag
Alex: Una na diyan si Unkyel Batjay ng http://kwentongtambay.com. Isa din siyang OFW Blogger na nagtrabaho sa Singapore dati pero ngayo’y sa USA na siya naka-based. Tawang-tawa talaga ako sa mga posts niya at masasabi kong karangalan ang makita siya ng personal, makapagpa-autograph at makapagpa-picture kasama siya nung minsang umuwi siya ng Pilipinas para sa kanyang book launch.
Pangalawa si Ella Ganda (http://www.ellaganda.com). Naging controversial siya dahil sa kanyang expose tungkol sa DSWD, but way before that, nagbabasa na ako ng blog niya at masasabi kong naging magkaibigan kami dahil sa blogging. We would even exchange emails, tapos binibigyan niya ako ng mga tips on how to improve my writing. Naalala ko din, nag-email pa siya sa ‘kin bago ako umalis papuntang Singapore para maghanap ng trabaho, giving me advices and words of encouragement. Inofferan din niya ako ng ‘writing job’ sa isang diyaryo dati (kaso hindi natuloy). Hinahangaan ko siya dahil isa siyang maganda, matapang at palaban na babae.
Madami pa akong ibang hinahangaan na blogero, pero nakakalungkot lang dahil karamihan sa kanila ay hindi na aktibo sa blogging.
Bino: Kung may hinahangaan kang blogero, mayroon ka ba namang kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Alex: I wouldn't usually hate the blogger, but probably hate the posts. May mga blog posts kasi na either mayabang ang dating, malicious ang content o kaya naman ay naglalahad ng opinyon na taliwas sa sarili kong opinyon. Pero siyempre, one’s blog or blog post doesn’t reflect totally who the blogger really is, kaya no judgment on my part.
Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Alex: Madami akong good experiences from blogging, pero the best ‘yung nanalo ako ng 7th Place sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA) last year. Kahit hindi ako nanalo bilang grand winner, ibang satisfaction pa din ang naidulot ng placement ko. Isa pa, natupad ang pangarap kong makaakyat ang Nanay ko sa stage para tumanggap ng isang blog award.
Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Alex: Harsh comments from haters. Hindi nawawala ‘yan. But it’s all part of it, and you cannot really please everybody. Forgive and forget. Life is short.
Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka na magblog? ipaliwanag.
Alex: Madaming beses na akong nag-attempt na mag-hiatus sa blog, pero lagi din naman akong bumabalik. Hindi mo din kasi masabi ko kelan ka tatamarin at kung kelan ka gaganahang magsulat. Hindi mo din kontrolado ang creative juices mo kung kelan ito lalabas at mago-overflow.
Bino: Importante ba sa yo ang may magkomento sa mga post mo? Paano kung walang nagkomento?
Alex: Masarap ang feeling kapag may nagko-comment sa blog lalo na't maganda ang sinasabi, but to get comments from my posts is not really the purpose why I'm blogging. I know a handful of bloggers who are ‘comments-desperate’, but I can’t give judgment on them. Lahat naman tayo may iba’t-ibang needs, and seeking attention and recognition, in the form of blog comments, is a valid need.
Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Alex: MADAMI! Una, natuto akong mag-open up at mag-express ng sarili ko more effectively. I consider myself as a loner (up to now) and I still enjoy my private moments, pero ngayon mas natutunan kong mas mag-share pa sa iba ng mga karanasan ko. Pangalawa, nagkaroon ako ng social life! Madami akong naging mga kaibigan sa blogging, sa Pilipinas man o sa ibang bansa. Pangatlo, I became more reflective.
Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gustong gumawa ng blog?
Alex: Una, sulat lang ng sulat. Blogging doesn’t really require you to be a good writer first, pero kung gusto mong may magbasa ng mga isinusulat mo, kailangan mong i-develop ang writing skills mo, and it can be done thru time and practice. Pangalawa, have a notebook or laptop or any gadget with a note-taking app with you all the time. Hindi mo kasi alam kung kelan ka biglang may maiisip na isulat at mas mabuti na ang maging handa at maisulat mo agad bago mo pa makalimutan ang naisip mo. Pangatlo, find time to read other people’s blogs also. You may get some tips from them regarding on how they organize their thoughts, writing styles, etc. pero huwag mong gagayahin ang style nila. Try to develop your own.
Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa ibang lahi?
Alex: Halos lahat ata ng mga pina-follow kong bloggers eh Pinoy. Meron din namang mangilan-ngilan na ibang lahi. Wala akong nakikitang masyadong pagkakaiba kung ang pagbabasehan ay nationality.
Bino: Batid ko’ng ikaw ay nagtatrabaho sa ibang bansa, Singapore to be exact. Ano ang dahilan?
Alex: It’s not really about the money. Akala kasi ng karamihan kapag OFW ka, pera-pera lang ang dahilan. Ang totoo niyan, hinanap ko din ang sarili ko, at nakita ko naman. Ngayon, puwede na ata akong umalis ng Singapore at ituloy ang paglalakbay na itinakda para sa akin. ;)
Bino: Ano’ng mga pagsubok ang naranasan mo sa pagtatrabaho sa ibang bansa?
Alex: Madami. Isa na diyan ‘yung retrenchment. Hindi madali ang mawalan ng trabaho, lalo na’t nasa ibang bansa ka at alam mong may mga umaasa sa ‘yo sa Pilipinas. Dalawang beses ko ‘yang naranasan dito sa Singapore, kaya’t importante na meron kang matinding pananalig sa Diyos dahil sa mga panahong taghirap, wala kang ibang maaasahan at makakapitan kundi Siya lang at wala ng iba.
Bino: Maaaring nararanasan mo ang homesickness. Paano mo ito nalalagpasan?
Alex: Hindi talaga maiiwasan ang ‘homesickness’ kapag isa kang OFW, at pinakamahirap ito sa unang taon mong paninirahan sa ibang bansa. Mararamdaman mo talaga ang pangungulila sa pamilya at mga mahal mo sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Pero ang totoo niyan, dadating din ang panahon na masasanay ka din.
Kapag magta-trabaho ka sa ibang bansa, importante na makakita at makakilala ka ng: (1) kaibigan o mga kaibigan na totoo at magiging magandang impluwensiya sa ‘yo; (2) simbahan na magtuturo sa ‘yo ng tamang daan patungo sa Kanya. ‘Yan ang mga rason kaya ako nakaka-cope up.
Bino: I-describe ang iyong blog gamit ang sampung salita lamang.
Alex: Guwapo ang blogger na si Gas Dude. Walang kokontra, ‘kei? (Sorry wala akong maisip. LOL!)
Bino: Kung meron ka’ng gusto’ng pasalamatan, eto na ang iyong pagkakataon:
Alex: Salamat Bino sa oportunidad na ma-feature sa sikat mong ‘Damuhan’. IKAW NA!
Gusto mo ba'ng mapabilang sa blogger of the month? Mag-email lamang sa bloggeradmin [at] damuhan [dot] com at sagutin ang tanong na: Bakit ka karapat-dapat maging blogger of the month? Ang makakapasok sa mapipiling blogger ay automatic na kandidato sa blogger of the year na kung saan, ang mananalo ay tatanggap ng tatlong libong piso'ng worth of prizes!

agree on this " It’s not really about the money." sabi nga din ng kaibigan ko di porke ofw na eh, looking for the money na..
ReplyDeleteI used to work for an oil company in the Philippines. Alam niyo ‘yung malaking gasolinahan sa SLEX na nagsisimula sa letter ‘P
ReplyDelete-umm... Pearly SHELL? lols.
mabait si sir gasul kasi na meet ko na sya personally.
naks, mukang nahanap na ni sir gasul ang sarili sa SG. Mag-sg na nga din para mahanap ko din sarili ko. :D
natawa ako sa Pearly Shell... panalo sa hirit! hahaha
DeleteOMG ODK, benta ang Pearly Shell HAHAHA
DeleteHahaha! Dalawang gabi akong napuyat dahil sa pagsagot ng mga katanungan mo Bino! Salamat ulit sa oportunidad. :)
ReplyDeleteSi alex yung pangulo ng SG-pinoy bloggers dito sa SG. Madaming ideya yan. Sya din yung unang naging tropa kong blogero (sg o pinas man).
ReplyDeleteinspiring nman ang story u sir!
ReplyDeleterally like this one
"Kapag magta-trabaho ka sa ibang bansa, importante na makakita at makakilala ka ng: (1) kaibigan o mga kaibigan na totoo at magiging magandang impluwensiya sa ‘yo; (2) simbahan na magtuturo sa ‘yo ng tamang daan patungo sa Kanya. ‘Yan ang mga rason kaya ako nakaka-cope up."
bino [ganda nman ng header ng damuhan ngaun] [astig]
DeleteNaks, Blogger of the Month si Gas Dude. Agree ako na nagiging reflective at medyo expressive ang tao pag nagiging blogger. Hehe.
ReplyDeleteAanda pala ng header mo, Bino. Astig!
It’s a little ironic as I consider myself as a private person, pero bina-blog ko ang mga experiences ko sa buhay at nababasa pa ito ng iba. - Ganto rin nararamdaman ko minsan.. :p
ReplyDeleteNagsisimula sa letter P.. Petron ba? Hehehe.. Tawa ako sa comment ni Khanto. Pearly SHELL? Wakokok! :p
True. Haters will hate. Forgive and forget. Life is short.. Agree din ako dun sa 10-word description. haha! XD
Congrats !! Blogger of the month ..
ReplyDeletenakanang.. soul searching pla sa SG ang drama..
ReplyDeletesaludo ako sayo doon sir....
Godbless you bro...
parehas pla tayong christian... :)
I love gasul!
ReplyDeleteikaw na ang gwapo! hahaha!
ReplyDeletePetron? Lol!
ReplyDeleteikaw na po ang gwapo hindi ako kokontra. wahehe
Delete-mejo natawa ako sa bagong header mo kuya bino. parang si san goku lang, lakas maka super sayan (ano spell?d ko alam) ng kilay at buhok. wagas. hahaha. peace!
Hindi naman siguro magagalit si Nimmy kung aminin kong long-time crush ko si Gasoline Dude. Hahahahahaha!!!!
ReplyDeleteEwan ko ba, I know his blog exist and his Twitter too, pero ni minsan, di ako naglakas loob ifollow siya sa Twitter or basahin madalas ang blog niya. Sa blog niya kasi, walang Follow button! Hahaha. Pero inadd ko na siya sa Google Reader ko para sure. Sa Twitter naman, nahihiya ako. Hahahaha!!!
Sige, ako na baliw. Great to know you more, GD.
Cheers Bino, as usual, great feature. :)
Alex,Yong unang banner mo gandang ganda ako. May na save pa nga akong copy noon sa PC ko bago mo pinalitan.Gano pa man Maganda naman yong bago mong layout ngayon.
ReplyDeletesiya pala si gasoline dude.=) Naks ang gwapo !
ReplyDeleteIsa sa mga blogs na binasa ko before ako nagstart magblog...^______^
ReplyDeleteVery insightful..haylabet!! ♥
OT: sorry ser bino, pero nagulat ako sa header mo pag refresh ko...bulaga!! hehehe
Deletehello gasoline dude! at astig ang bagong header!
ReplyDelete-Hahaha, age is just a number sabi nga nila.
ReplyDelete-Blogging is really a therapy.
-Thanks sa mga blogging tips.
Nag-enjoy akong basahin ang mga sagot niya. Mararamdaman mo na tagos sa puso ang mga sinasabi niya at natawa ako sa 10 words.
i like gasdud dahil kahit isa sya sa mga nauna at batikang pinoy bloggers e very humble pa rin sya. kaya when i grow up, i wanna be like gasdud :)
ReplyDeletengayon lang ako nadalaw ulit bino, sinulit kse ang bakasyon, ayus yung bagong bihis ng bahay mo a!
congrats kuya gasul!=D
ReplyDeletenainspire naman ako sa mga sagot niya. sulat lang ng sulat. di naman talaga kailangan na may nagkocomment even though nakakataba ng puso kapag may nagbabasa ng blog mo, di rin kailangan na magaling kang magsulat.
waaah!!!si Gasoline gasdude na uma-iphone vlog.hehehe.dyan ka nga magwo-wonder.for somebody very private in person to be vocal online,I mean, to be blogging about his life.Although admit natin yan na mga nakakabasa kay Gasdude,magaling syang mambitin sa kwento nya.so parang mapapasigaw ka lagi, come one dude!tell me more!yung ganun.hahaha
ReplyDeleteAh yes... It's Gasdude! 2007 pa lang, sinusundan ko na toh at tama siya sa sinabi nyang EMO blogger siya hehehe pero kasi ang difference ngayon is mas ineexplain nya yung good side naman ng pinagdadaanan nya... Inspiring blogger din siya... :)
ReplyDeleteI read some of his posts every now and then, napapadaan and napapabasa when I find it interesting. Mostly drama/emo post ang naaabutan ko hehe but I find him to be an inspiring person, one who has faith in Him. Hats off to proud Christians. But it's great to know the person behind the blog more. Thanks for featuring him :)
ReplyDeletenice to meet you gasoline dude :) enjoyed this feature :) marami ako natutunan..educational...woah..hehe.. All for Him! :)
ReplyDelete