March 26, 2012

Job Hunting 101: Mga Tips mula sa Damuhan

Anim na taon sa elementarya (pito kung may grade seven), apat na taon sa highschool, apat o lima'ng taon (depende sa kurso) sa kolehiyo, matagal-tagal man ang iyon'g inilagi sa paaralan para mag-aral, magcutting-classes, makilahok sa sportsfest, intrams at iba pa, sa wakas graduate ka na kung hindi ka nagloko. Isang malaking CONGRATULATIONS sa iyo! Ngayon ay papasok ka na sa panibago'ng kabanata ng iyong buhay. Tapos na ang pagiging estudyante mo. May tatlo ka ng pagpipilian: maging employed (may trabaho), unemployed (walang trabaho) o underemployed (trabaho'ng mababa ang sweldo at tila hindi angkop sa kurso'ng iyong tinapos). Piliin mo ung employed o underemployed. At isang dagok sa mga bago'ng "laya" o graduates ay ang paghahanap ng trabaho. Kaya naman tampok dito sa Damuhan ang mga tips sa job hunting.



Sa paghahanap ng trabaho:


Huwag lamang makuntento sa pagtingin sa mga ads sa dyaryo. Sampung porsiyento lamang ng mga  trabaho ang matatagpuan dito. Gumawa ng account sa popular job hunting sites gaya ng JOBSTREET at JOBSDB. Marami'ng employers ang nasa internet. Trust me.

Gumamit ng networking. Magtanong sa ilan'g mga kakilala'ng nagtatrabaho kung mayroon sila'ng mga job openings. Dito mo magagamit ang iyo'ng pagiging pala-kaibigan.

Umattend din ng mga Job Fairs na isinasagawa ng gobyerno at mga NGOs. Kailangan mo nga lang dito ng pasensiya dahil madami-dami kayo'ng aplikante.

Sa pag-gawa ng resume:


Huwag na huwag ilalagay ang salita'ng RESUME OF o CURRICULUM VITAE OF. Understood  naman na resume mo yun di ba?

Gumawa siyempre ng sariling resume at huwag magtiyaga sa nabibiling piso o dalawang piso'ng BIO-DATA.

Dahil bago'ng graduate, natural wala ka pa'ng work experience na isa sa importanteng laman ng iyon'g resume. Kaya naman kailangang mahighlight ang iyo'ng educational background, skills at expertise, seminars attended pati na rin ang mga honors o awards na iyo'ng nakuha noon'g ika'y nag-aaral pa (wag ng isama ang mga awards noon'g elementary). Ito ang iyo'ng panlaban sa mga may work experience na applicants.

Gumamit ng quality-paper. Huwag gumamit ng onion-skin na papel. Iwasan din ang pag-gamit ng mga makukulay na papel lalung-lalo na ang mga scented. Resume to. Hindi slumbook.

Sa Interview:


Para sa kasuotan, dress like a pro! Huwag gumaya sa mga iba'ng aplikante na naka-mao'ng at polo-shirt lang. Dress to impress. Kahit ba sabihin mo'ng simpleng trabaho lamang ang iyon'g inaaplyan. Proper grooming is a must.

Huwag na huwag malelate sa iyo'ng interview! Kung dito pa lang ay sablay ka na, bad impression na kagad ang maiiwan mo sa iyo'ng future employer.

Siguraduhing mag-research tungkol sa kumpanya at sa trabaho'ng iyon'g inaplyan. Senyales ito na sa seryoso ka talaga'ng magtrabaho para sa kanila.

Tumingin sa mata ng interviewer habang ika'y iniinterview. Look. Don't STARE. Kung di ka sanay, tingnan mo ang ilong niya. Para ka na ri'ng naka-eye contact.

Avoid unnecessary movements. Maupo ng maayos at be confident pero huwag overconfident.

Don't forget to take down notes din habang iniinterview. Huwag ka ri'ng mauna'ng banggitin ang tungkol sa salary unless the employer asks you. It's a big no-no!

Hindi mo kinakailangang mag-ala pusa sa sobrang slang ng pag-iingles. Just have neutral accent. Pronounce the words correctly. Be careful with your soft TH and hard TH ganun din sa mga letrang B at V, at F and P. (ang tip na ito ay kadalasang para sa mga trabaho'ng nangangailangan ng english communication skills gaya ng call center agents at ESL intructors.

Madalas tinatanong sa interview ang "What are your strengths and weaknesses?" Bigyan mo sila ng sagot na related sa trabaho'ng iyong pinapasukan. Para sa weakness naman, maaari ka'ng magbigay ng "positive weakness"

Halimbawa:

Strength: I have the ability to communicate and interact with people with different personalities.
Positive Weakness: I have a tendency to skip breaks in order to finish the tasks given to me.

Anuman ang maging resulta ng iyong interview, huwag kalimutang pasalamatan ang nag-interview sa yo.


Maaari'ng umepekto ang mga iyan sa iyo, maaari ri'ng hindi. Ganunpaman, laging tatandaan na sipag at determinasyon ang kailangan para makuha ang trabaho'ng iyong pinapangarap.

Magandang araw :)





12 comments:

  1. Wow! Super practical tips! Thanks Bino, napipicture ko talaga mga tips mo ksi nagamit ko na sya previously. Good Job

    ReplyDelete
  2. Sobrang helpful nito bins. Very nice binz!

    ReplyDelete
  3. another tip sa mga mambabasa ng damuhan.

    Sandwich.

    sa pagbibigay ng weakness and strenghth, unahin mong magbigay ng strength, saka mo explain ang weakness tapos inform mo pano mo lalagpasan ang weakness/ action plan mo tapos inform mo na yun ang strenth mo pa. :D

    ReplyDelete
  4. galing naman ng tips for freshies..

    boss bino, puede magrequest? tips sa mga gusto magpataba? or magbusiness..hihi..salamat!=)

    ReplyDelete
  5. wow ha... sobrang informative ng mga tips mo.. tamang taman para sa mga new grads..

    ReplyDelete
  6. Let me contribute, hehe.
    .
    .
    For those applying for media companies:
    -Character is must. Dapat matatandaan ka ng mga taga-HR but of course dapat in right terms. Show your personality pero 'wag maarte.

    -Dapat cowboy ang dating. Go lang ng go. Again bawal maarte. Kung ano ipinapagawa, gawin mo.

    -To be specific, sa mga mag-aapply sa ABS-CBN, don't put too much effort on your outfit. Kahit maong pants lang pwede as long as you look good and presentable. Speak English. Initial exam is corporate style. IQ test, general knowledge, leadership skills and a very long personality test.

    Ayan. If sa media ka mag-aapply at gusto mo magpatulong, feel free to contact me. I'll help you in the best possible way I can. :D

    ReplyDelete
  7. biktima ako ng P at F dati nung nag-apply ako sa isang kilalang company sa may Libis hehehe

    Kailangan din siguro sabihin na kailangan mo sila kamayan after (though optional kung minsan), yung tamang hand shake lang, hindi maluwag na para kang di nag breakfast man lang at hindi rin masikip na nananakit.

    pero nice ito ah para sa mga new job seekers for this year :)

    ReplyDelete
  8. Lagi napupuna sakin confidence during interview, next time kelangan medyo lasing para malakas loob ko, haha.

    ReplyDelete
  9. nice tips para sa mga bagong graduate...

    eto rin reference ko nung bgo pa pa lang ako mag-aaply..

    ReplyDelete
  10. salamat sa mga tips .. gagamitin ko yung strength ayos yun.

    :)

    ReplyDelete
  11. Isa pang tip: Right after the interview, send an email thanking them for the time they gave. Or say it personally right after the interview.

    Also, do a research about the company.

    ReplyDelete
  12. Mukhang magagamit ko to ah. Ehe!

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.