March 29, 2012

Nag-Mall, Nagbilliards at Nanood ng Hunger Games

Ala-una ng hapon ng magpasya ako'ng pumunta sa isang mall sa Alabang. Dahil
sa may kainitan at mahal na ang bill na aking babayaran dahil sa tindi ng
pag-gamit ko sa aircon sa aking kwarto, naisip ko'ng mas makakatipid kung
sa mall ako magpapalamig.

Ang lamig ng hanging sumalpok sa aking mukha the moment I entered the mall.
Matapos kapkapan at konting tiyansing na ginawa ni lady guard dahil
nakalunch pala si manong guard at di pa bumabalik sa kanyang pwesto,
mabilis ako'ng naglakad-lakad at nagwindow shopping. Sale pala ng araw na
iyon kaya sobrang dami ng tao. Akalain mo'ng naghihirap daw ang Pinas pero
ang dami'ng namimili ng kung anu-ano: damit, pabango, gamit sa bahay at iba
pa. Nakakaaliw lang tingnan yung iba na kala mo nasa tiyangge at tumatawad
sa mga single sales ladies (all the single ladies, now put your hands up!).



Tinext ko ang tropa para samahan ako'ng magliwaliw sa mall para hindi naman
ako mukhang tanga. Though sanay naman ako'ng mag-isa lang kung mamasyal,
tila ang pangit naman na maglaro ako ng table tennis na mag-isa. Ano yun,
pagkatira sa unang pwesto ay tatakbo ako sa kabilang side para abangan ang
bola? Awa naman ng Diyos, tatlo sa sampung tinext ko ang available ng araw
na yun. Yung pito, di ko talaga friends. Joke lang!

Pasado alas-dos ng dumating ang mga mokong ko'ng tropa. Nagbago ang plano
at nagpasiyang magbilliards na lang sa ika-apat na palapag ng mall. Masaya
kami'ng naglalaro ng may isan'g lalaking halos kasing edad lang namin.
Lumapit ito sa amin at pinanood kung paano kami maglaro.

"Nice shot!" bati niya sa isa ko'ng tropa.

"Mga pre, pwedeng sumali? puno na kasi yung iba'ng tables eh."

"Ayos lang 'tol. Ikaw muna palit sa kin. Pahinga lang ako" sabi ko.

Iniayos na ulit ang mga bola at nagsimula ng maglaro ang barkada ko kasama
ang lalaki.

"Ayos! Panalo tayo!" sabi nito sabay apir sa kakampi niya!

"Galing mo pre!" sagot ng isa ko'ng barkada.

"Wala yun! Medyo mahilig lang maglaro at nakasanayan na."

"Madalas ka pala dito ah. Mala-efren bata reyes na ang tira eh."

"hahaha di naman. Sa amin ako madalas naglalaro. Teka, may gagawin pa ba
kayo matapos nito?" tanong niya.

"Ikaw Bino, may lakad pa ba tayo?" baling ng barkada ko sa kin.

"Hmm wala naman." sagot ko

"Gusto ninyo'ng manood ng sine? Maganda yung Hunger Games ah"

"Oo nga, showing na pala yun. Tara Bino nood tayo!"

"Ayos lang, sige bili na tayo ng ticket."

"Sagot ko na kayo." sabi ng lalaki sa amin.

"Yun naman pala eh. Sagot na ni... ano ulin'g pangalan mo pre?"

"Rael tsong. "

"O tara na, sagot na ni Rael ang sine!"

Himala, walang masyado'ng tao noon sa sinehan kaya malaya kami'ng
nakapamili ng mauupuan. Matapos ang ilang movie previews at mga patalastas,
nagsimula na rin ang palabas.

Napako na ang atensiyon ng lahat sa pelikula. Nasa kasarapan na ako ng
panonood ng bigla ako'ng tawagin ng kalikasan.

"Pare, magbabanyo lang ako" bulong ko kay Rael.

"Sige pare take your time hehehe" aniya.

May ilan'g gumagamit ng cubicle kaya di kagad ako nakaihi. Ilang minuto pa
ang aking inantay bago ako nakagamit ng trono.

Sa pagbukas ko ng pinto ng CR, nakita ko si Rael na palabas na ng sinehan.

"Rael! San ka pupunta? Tapos na ba yung movie?" tawag-pansin ko sa kanya.

"Ay di pa pare. May emergency lang kaya kailangan ko'ng lumabas. Sige diyan
ka na, mauna na ko" at dali-dali siyang lumabas ng sinehan.

Kibit-balikat na lang ako. Pabalik na ako sa tropa ng masalubong ko sila.
Tila nagmamadali at parang may hinahabol.

"O aalis na rin ba tayo?" tanong ko.

"Bino, si Rael nakita mo?" tanong ng isa ko'ng katropa.

"Dali-dali ngang lumabas eh. Sabi niya may emergency daw. Bakit ano ba'ng
nangyayari?" usisa ko.

"Putang-inang yun! Holdaper yun! Tinutukan kami! Tinangay yung mga cell
phones namin" galit na sabi ng isa.

Agad kami'ng lumabas ng sinehan, pinagbigay alam sa mga security personnels
ang nangyari. Kahit sila'y nagtaka kung bakit di nadetect ang patalim na
dala ng suspek.

Ilang beses din naming inikot ang kabuuan ng mall ngunit ni anino ni Rael
ay di na namin nakita. Pinablotter na lang namin ang insidente. Sa huli'y
nagpasalamat na lang kami't hindi nagripuhan ang mga kaibigan ko at tila
blessing in disguise (in the sky? in disguise? lol) ang pagtawag ng kalikasan sa akin.

Lesson learned. Huwag kagad magtitiwala. Don't talk to strangers.


This is a true story.




18 comments:

  1. what the heck.. akala ko galante noong una.. yung pala.. holdaper pala.. hayup na yun...

    ReplyDelete
  2. hahah buti nalang talaga tsong... buti nalang :)

    ReplyDelete
  3. maswerte ka pa din bino...buti na nga lang at umihi ka kung hindi..yari!

    hindi pa din mahigpit ang seguridad sa mga mall...kunwari lang kasi nagkakapkap...

    ReplyDelete
  4. grabe naman un... FC na holdaper pa...

    ReplyDelete
  5. halah!!!! loko yon ah!!!!! don't talk to strangers na from now on! buti nalang di ka nasama sa panghohold up! Thank God!

    ReplyDelete
  6. nawala ata yung comment ko!!

    anyway, ang bad nya!! Thank God di ka napasama sa naholdupan...tsk...grabe naman talaga!

    from next time don't talk to strangers na ha!

    ReplyDelete
  7. naman! naglipana tagala ang masasamang loob ngayon.. narinig ko na yung modus na yan dati pa.

    magsisilbing aral yan sa lahat kabilang na ko na superfriendly:D

    ReplyDelete
  8. Actually, bago ko nabasa ang buong story, iba ang pumapasok sa isip ko. Ibang scenario.. :p

    Ang important, safe kayo. At totoo un, it's always good advice to NEVER talk to strangers, especially those who are TOO friendly.

    ReplyDelete
  9. arawts.

    grabe naman ang experience na yun.

    siguro nga, dont talk to strangers

    ReplyDelete
  10. what the!!

    grabe tlga ang panahon ngayon . nakakalungkot :(

    ReplyDelete
  11. sa loob ng mall yan nangyari yan what the @&..! Ibang klasing modus ito. as in namuhunan si Manong ng time and money. lesson learned.

    ReplyDelete
  12. dun pa lang sa manlilibre siya ng tatlong ticket sa mga taong kakakilala pa lang niya, kaduda-duda na. ingats na lang next time, ser.

    ReplyDelete
  13. AW. CHARGE TO EXPERIENCE. LET'S WARN OTHERS RE THAT MODUS OP. TC.

    ReplyDelete
  14. parang natatakot na tuloy ako manood ng sine sa Alabang :( buti nag-CR ka pero kawawa naman mga friends mo.

    ReplyDelete
  15. True, never trust strangers, lalo na ung mga nakikilala sa malls. Kalurks.

    ReplyDelete
  16. magandang babala ito! sanay laging tatandaan, trust only to yourself.

    eeiy admin, have joined your google friend connect, filsan lamberang is my name. please visit and join my blogs too. thanks

    http://bbplusses.blogspot.com/
    http://etc.soundsfunny.ws/

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.