April 4, 2012

Bino Likes Your Status, Bino Retweeted Your Tweet

Madalas ako'ng online sa mga social networking sites lately. Facebook,
Google+ at Twitter. Yan ang tatlo'ng kinaaadikan ko. Dahil na nga rin sa
takbo ng teknolohiya ngayon, at sa aking gamit na cellphone, madali ko'ng
naaaccess ang mga sites na nabanggit. Madalas ko'ng gamit ang mga nasabing
sites para na rin sa Damuhan. Nakakatuwa kasi'ng isipin na umabot na ng
anim na raan ang mga nag-like sa fan page ng blog ko sa Facebook. May
mahigit 300 naman ako'ng followers sa twitter. Kung sa google+ naman, so-so
lang pero mahigit 400 naman ang Google followers ko. Hindi kalakihan ang
figures kumpara sa iba pero ang mga simpleng bagay na yan, isang
achievement na maituturing para sa isang hindi sikat na blogero.



Ganunpaman, medyo napapansin ko at maging ng ilan sa mga nagbabasa ng
tweets ko na hindi ko nagagamit sa wastong paraan ang mga social networking
sites na ito. Panay ang reklamo at parinig ko sa Twitter lately. Naglalabas
ng sama ng loob sa Facebook at kung anu-ano pa'ng mga negatibong
sentimyento ang aking ikinakalat sa online world. Bagay na kung aking
iisipin, isa ito'ng malaking pagkakamali. Negatibo'ng enerhiya lamang ang
masasagap nila mula sa akin.

Bagamat ginawa ang mga ito para makipagpalitan ng kuru-kuro, makakuha ng
maraming kaibigan, magkaroon ng ilang talakayan, at magbigay ng sariling
opinyon, hindi ko na din naisip na may mga nasasaktan na pala ako'ng tao.
Bagamat ang ilan sa mga status at tweets ko ay hindi diretso'ng
nagbabanggit ng pangalan, may mga ilan pa rin ako'ng nasasagasaan. Bagay na
hindi ko sinasadya pero dahil sa maling pag-uugali at hindi pag-iisip ng
mararamdaman ng iba, kaakibat ang pagiging immature, nagawa ko sila'ng
saktan.

Hindi ko mabilang kung ilang damdamin ang ang binale-wala ko . Ilan'g tao
ang nabigyan ko ng sama ng loob dahil sa aking di wasto'ng pag-uugali. Ang
inaakala ninyo'ng isang mabuting tao, may kapintasan din. Bagamat huli na
para maibalik ang dating samahan na winasak ng pagiging makasarili at
idinaan sa social networking sites, humihingi pa rin ako ng tawad. Si Bino,
isa'ng blogero, hindi perpekto'ng tao at maramin'ng pagkukulang. Ang lahat
ng aking mga kasalanan, buo'ng puso ko'ng pinagsisisihan.


Pansamantala ako'ng mawawala sa Twitter, Facebook at iba pa'ng social
networking sites mula Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria. Sa mga araw
na ito, bagamat ako ay may pasok sa trabaho, sisiguruhin ko'ng magkakaroon
ako ng oras para magsisi sa aking mga nagawang kasalanan. Maaari'ng hindi
na ako bumalik sa Twitter, o baka mga patalastas na lamang mula sa aking
blog ang inyo'ng mababasa doon.

Maraming salamat sa pagbabasa




21 comments:

  1. Ingats po :)
    Reflect ka ng todo kuya~

    ReplyDelete
  2. Hindi lang naman ikaw pre ang ganun sa social networks, actually halos karamihan, maski ako :D ... mailabas lang ba ung sama ng loob, pero tulad ng sabi mo, di natin alam na may mga nasasaktan pala, kaya palagay ko intindi na nila yun kapag nagsorry tayo :)

    Gandang umaga, parekoy :)

    ReplyDelete
  3. Social Networking (esp Twitter) is a good way to relay info especially for us bloggers. But as adults, we also have to make sure that we talk/act the way we do in public. Sabi nga ni Karen Davila (?), Twitter is a test of self-control. :)

    Have an awesome Holy Week :)

    ReplyDelete
  4. tama... its time to break and take unplugged...

    ReplyDelete
  5. ingats and take care sa iyong bakasyon :D

    ReplyDelete
  6. i'm not exempted..... :( lahat naman tayo ganun..ika mo nga walang perpekto..

    ReplyDelete
  7. akala ko humor ang laman nito... anyway highway von vayage! ano daw? hehe

    ReplyDelete
  8. yey!May karamay ako sa sakripisyo...1 week na walang FB.di naman natin ikakamatay kahit wala yon.hehehehe!!!God bless kuya

    ReplyDelete
  9. wow :) Ako din mag mumuni muni :)
    >> have a safe long weekend kuya Bino :)

    >> God speed

    ReplyDelete
  10. take time for yourself! :D

    empi

    ReplyDelete
  11. awwww.... Ingat at Have a blessed Holy week Bino.

    ReplyDelete
  12. where to bino? ingat at nawa'y matagpuan ang kasagutan sa iyong mga dasal, tumpak ka, tao lang naman, kaya hindi perpekto.

    ReplyDelete
  13. Yeah. Yun lang ang mahirap sa Twitter.

    Have a blessed Holy week, bino! God bless.

    ReplyDelete
  14. Biyernes Santo, nagbloghop ako dito, mababasa mo na ito sa Sabado de Gloria. Nainspire tuloy ako buhayin ung Tagalog blog ko

    ReplyDelete
  15. Aww social network hiatus ba hehehe

    ReplyDelete
  16. sa bawat pagkakadapa natin sa daan ng buhay, ang mahalaga ay marunong tayong umamin sa kasalanan at bumangon. ^^

    ReplyDelete
  17. basta ako, walang efbee, walang google plus, walang twitter. sa datnet lang talaga 'ko naghahasik ng lagim. hehe. chillax lang, pre. have a meaningful holy week.

    ReplyDelete
  18. Kamusta ang hiatus? Pwede na ulit, Easter Sunday na e! Hehe.

    ReplyDelete
  19. Nagkakamali ang tao, ngunit may oras pa para tayo'y humingi ng tawad at baguhin ang mga pagkakamali..

    Cheer up Bino. :)

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.