April 12, 2012

Biyernes Trese o Friday the 13th - Naniniwala Ka Ba?

Ooops. Alam ko Huwebes pa lang ngayon pero inadvance ko ang post na to dahil noon'g 2010 ay nahuli naman ako. Anyway, back to regular programming.


Biyernes Trese o Friday the 13th: isang araw na pinaniniwalaan lalo na ng mga matatanda na malas o hindi swerte. Nagaganap sa tuwing ang numero ng kalendaryo na 13 ay tumapat sa araw ng Biyernes. Dahil nga sinasabi na malas ang araw ng Biyernes (namatay si Jesus sa araw na ito), idagdag pa ang numero'ng trese na ayon sa ilan ay nangangahulugan ng pagiging imbalance (ayon sa numerology, 12 ang numero ng completeness kaya meron tayo'ng 12 zodiac signs, 12 numero sa orasan, 12 diyos ng olympus at 12 apostles), parang combo attack daw ang kamalasan dahil sa pagsasama ng dalawa. Ito ang dahilan kung bakit walan'g 13th floor, walang room 13 sa mga ospital at bawal magsalo ang 13 katao sa hapag-kainan dahil mamamatay daw ang isa sa kanila.

Alam nyo ba?



Sa ilang spanish-speaking countries, sa halip na Biyernes, Martes Trese ang kanilang day of bad luck. Sa kultura naman ng mga Italiano, 17 ang malas na numero at ang number 13 ay swerte para sa kanila. Ayon yan sa wikipedia.

Hanggang ngayon, marami sa ating mga Pinoy ang naniniwalan'g malas ang Biyernes-Trese. May mga ayaw lumabas ng bahay dahil baka kung ano nga naman daw ang mangyari sa kanila. Halintulad sa pamahiin ng Mahal na Araw na patay si Lord sa Biyernes Santo kaya naghahari ang mga bad spirits at kampon ng diablo sa araw na ito. At kapag nasugatan ka sa araw na nabanggit, matagal daw gumaling ang sugat. Hindi ko naman naranasan na malasin sa tuwing sumasapit ang "kinatatakutang" araw na ito. madalas ay sa iba'ng araw ako di sinuswerte. Pero lahat ng mga pangyayari o kaganapan sa aking buhay ay may dahilan. Hindi iyan basta-basta dumadating para sa wala.

Wala naman'g mawawala kung maniniwala tayo dito. Pero huwag natin'g hahayaan na kontrolin tayo nito. Sabi nga ng resident psychic ng Umagang Kay Ganda na si Madam Zenaida Seva: "Hindi hawak ng bituin ang ating kapalaran, gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin 'to."

Mas mabuti'ng maniwala ka sa Maykapal kesa sa isa'ng numero. Anuman ang Kanyang ngalan, mapa-Yahweh, Jehova o Allah man, Siya lang nakakaalam ng maari mo'ng kahantungan at patutunguhan.

Isa lang ang alam ko'ng maaaring maganap sa Biyernes Trese: araw ng aming sweldo. Sa tingin ko, ito ang pinakaswerteng Friday the 13th ko.




18 comments:

  1. Naaalala ko yang Friday the 13th lagi akong biktima sa pagkawala ng mga bagay-bagay. lagi akong napapagalitan ni Ermat. Hanggang sa lumaki nako, hindi pala talaga malas ang Friday the 13th, BURARA lang talaga ako.haha.

    Para kang si KUYA KIM DITO BINO.ehehe. Dag-dag kaalaman!

    ReplyDelete
  2. hahhaa .. panalo ang friday the 13th mo.

    isa lang siyang normal na araw para sakin lagi lagi :)

    ReplyDelete
  3. Yay, ako hindi naniniwala. Heehee

    ReplyDelete
  4. akshali, swerte ako pag fri the 13th..yay ^^

    ReplyDelete
  5. Informative! hehe.. Di ako naniniwala malas ang Friday the 13th. Eh kahit ano namang araw yan, kung hindi mo swerte, hindi tlga. hehe.. ;P

    ReplyDelete
  6. ayown naman pala eh.. let's celebrate.. pakain ka naman po.. heheh :P

    ReplyDelete
  7. kabaliktaran naman, sakin madalas magagandang bagay pa ang nangyayari sa akin kapag Friday the 13th. :) Paborito ko pang number yan!

    ReplyDelete
  8. yup normal n arw nga lng eto, pero dahil sa eto ay nka gisnan natin eh sumusunod na rin tau, wla din nman msama kung mag-ingat, ika nga prevention is better than cure.
    sa pagkakatnda ko mayroon pang computer virus na ipinangalan sa friday 13th. mas lumala pa eto sa Hollywood movie friday the 13th. pero tama si Zenaida Seba, umagang kay ganda!

    ReplyDelete
  9. di ko alm kung ngpost un comment ko....

    ReplyDelete
  10. "Isa lang ang alam ko'ng maaaring maganap sa Biyernes Trese: araw ng aming sweldo. Sa tingin ko, ito ang pinakaswerteng Friday the 13th ko."

    This. Haha.

    ReplyDelete
  11. hahaha masayang friday d 13 yan!! libre mo ako!! dali!!

    ReplyDelete
  12. hahahahaha. hindi ako naniniwala sa friday the 13th, feeling ko pagnaniwala ako doon ako mamalasin. nyahaha.

    Buti pa ikaw payday na! libre!lols

    Galing ni madam dun sa sinabi niya ha, like!

    ReplyDelete
  13. ngayon ko lang nabasa ung pag nagsalo ang 13 katao sa hapag kainan, mamatay ang isa :D .. pero ganun pa man, sa aking opinyon wala namang malas o swerte, tayo lang ang gumagawa ng kung anong mangyayari sa atin, pero syempre andun pa rin ung dahil itinakdang mangyari :)

    ReplyDelete
  14. ayun confirmed dito! sweldo pala today!!

    ReplyDelete
  15. ewan sa akin kasi walang malas.. all is inevitable... hehehe

    ReplyDelete
  16. ako di mapamahiin kasi tulad nga sinabi mo hawak natin ang buhay natin. walang masama sa pagsunod pero wag naman sobra sobra yung tipong lahat ng gagawin mo nakabase sa hula, feng shui and the likes.

    ReplyDelete
  17. Hindi ako naniniwala pero dati may NAGKATAON na nangyari sa akin di masyadong maganda tuwing Friday the 13th. Pero pwede din naman kasi mangyari sa akin yung di magandang pangyayari na yun ng ibang araw kaya di mo talaga pwede sabihin na tuwing Friday the 13th lang minamalas. Hahaha.

    ReplyDelete
  18. guys maniwala nalang tayo sa panginoong hesukristo,lahat ng bagay at iba pa ay nilikha ng diyos.kung mananalig lang tayo ng taos sa puso walang malas. pray sacred heart of jesus....:-)

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.