April 2, 2012

Blogger of the Month - April: Donnie Ray



Bakit ka karapat-dapat maging blogger of the month? 1. Hindi ko alam kung may nafeature ka ng beki sa blogger of the month mo.. pero kung wala pa sana ako ang una ^_^. I blog to express not to impress. Karapat-dapat ako dahil wala pang 1 month ang blog ko pero napakarami ko ng napapasaya.. Awa ng Diyos wala pa naman akong narereceive na nega comment/feedback. Tuwang tuwa daw sila sa punchline ko. Honestly, wala naman talaga akong balak mag-blog pinilit lang ako ng isang Chyng Reyes. ^_^ pero nun umpisahan ko na super nag-enjoy na'ko sa mundo ng blogosphere. At isa sa pangarap ko ay mafeature bilang blogger of the month.  Masaya yun! Yey! ^_^

Yan ang email na aking natanggap mula kay Donnie, at dahil ang blog na ito ay walang pinipiling kasarian. tampok ko sa inyo ang ating Blogger of the Month ngayo'ng Abril!




Pangalan/Alias: Donnie Ray
Blog Name at URL: The Donnie Ray | www.thedonnieray.com
Lokasyon: Manila, Cavite, Bulacan, Laguna, Philippines
Edad: 24
Civil Status: Widowed.


Bino: Tell me something about yourself. Ano ang iyong pinagkakaabalahan, trabaho etc.
Donnie Ray: ohmy! wait, i'm nervousing! chos!

Pinagkakaabalahan: manlalake.

Trabaho: tagabantay ng hacienda.

Etc.: isang beki. ay mali, beking beki! Walang ginawa kundi gumala. Daig ko pa ang ahente ng insurance at nagtitinda ng mga kaldero kung makaAura. Nilalagnat talaga ako pag nasa bahay lang. Kaya naman kulang nalang tumira ako sa mall, sa bahay ng friends at kung saan saan pa.

Kung gusto nyo ko makilala ng bongga, meet nyo ko ng personal ^_^
At sa mga mahilig magtravel dyan, sama nyo ko sa gala nyo!
Sa mga gwapo dyan, lalo na yung mga hav na hav, iwasan nyo ko.. Nangangain ako! :D


Bino: Ano ang kwento sa likod ng iyong Alias?
Donnie Ray: yan po talaga ang name ko. Buti nalang hindi nasunod si papa na pangalanan ako after him. dahil donato si grandpa at donato rin si papa. buti nalang may taste si mama! ^_^


Bino: Sino si Donnie sa likod ng blogging?
Donnie Ray: minsan businessman. Minsan tambay. Minsan puro gala. Minsan naman maghapon lang nasa harap ng laptop. Ako na ata ang may pinakamasarap na buhay. ^_^


Bino: Kelan at paano ka nagsimulang magblog?
Donnie Ray: January 1, 2012. Oh diba sariwang-sariwa lang! Dahil sa kulit ni Chyng Reyes at Carla Araniego, pinagbigyan ko na sila! :P

ayoko talaga! sabi nila kahit gumawa lang daw muna ako ng template at hanggang sa nagustuhan ko na rin magblog. kaya yun! Tuloy tuloy na.


Bino: Bakit mo naisipang pasukin ang mundo ng blogging?
Donnie Ray: nakakatuwa kasi sa blogging nagkakaron ng kwento at buhay yung adventures and photos. Unlike sa facebook na basta mo nalang inupload then yun na.



Bino: Kaunting kaalaman tungkol sa iyong blog
Donnie Ray: Naku wag nyo masyado pansinin yung blog ko. Lalo na sa mga guys.. Wala kayong mapapala. Landiin nyo nalang ako! 

Kidding aside, nagfifeeling na travel blog haha.


Bino: Sino ang iyong inspirasyon o hinahangaan sa bloggging? Ipaliwanag
Donnie Ray: Chyng Reyes

kung hindi nyo po naitatanong, fan na fan ako ni Chyng Reyes. To the point na saulado ko na lahat ng details ng life nya.. as in!


Bino: Kung may hinahangaan kang blogero, mayroon ka ba namang kinaiinisan? Bakit o ano ang dahilan?
Donnie Ray: ay wala. Ayoko ng may kinaiinisan... hindi maganda yung nabubuhay ng may inis sa kalooban. nakakapanget yun. Positive lang ^_^




Bino: Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa daigdig ng blogging?
Donnie Ray: Makatanggap ng mga nakakatuwang comments and emails. Makakilala ng mga sikat na bloggers. Makakain ng libre :D


Bino: Ano naman ang hindi magandang karanasan mo dito? Paano mo ito nalampasan?
Donnie Ray: wala rin.. ang korni ko no? kung meron sabihin ko agad sayo pag nafeature uli ako dito :P


Bino: Dumating na ba sa punto na tinamad ka na magblog? ipaliwanag.
Donnie Ray: dahil nga po sa 3months pa lang ako nagboblog, nasa kasipagan pa ako ng pagboblog. Kaya nga nag .com nako e! ^_^


Bino: Importante ba sa yo ang may magkomento sa mga post mo? Paano kung walang nagkomento?
Donnie Ray: keri lang kahit wala. Pero mas ok kung meron at maganda yung comment



Bino: Ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng blogging?
Donnie Ray: nadagdagan ang online friends ko!


Bino: Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa blogero na nagsisimula pa lang sa ganitong larangan ganundin sa mga gustong gumawa ng blog?
Donnie Ray: naku parang hindi pa ako karapat-dapat magpayo hehe. Pero basta yung makatotohanan lang at may halong aliw factor. At higit sa lahat, nakakaconnect sa readers. Make sense?


Bino: Ano ang masasabi mo sa Filipino Bloggers? Paano mo sila maikukumpara sa bloggers sa ibang lahi?
Donnie Ray: ayoko maging racist ha. Char! Impernes, clap clap para sa Filipino bloggers! Mahusay. iba kasi tayo magexpress ng damdamin at the way na magkwento.. ramdam talaga!


Bino: I-describe ang iyong blog gamit ang sampung salita lamang.
Donnie Ray: PARA SA MGA TAONG MASAYA’T NAGHAHANAP PA NG KARAGDAGANG SAYA.


Bino: Kung meron ka’ng gusto’ng pasalamatan, eto na ang iyong pagkakataon:
Donnie Ray: Bonggels! May ganito talaga? Yey! ^_^

Bago ako magThank you, hayaan nyo munang batiin ko ang sarili ko ng isang..

Bonggachulations! Dahil nafeature ako bilang blogger of the month.

I would like to take this opportunity na mag Thank you sa inyo…

Chyng Reyes. Ikaw na gurl!

Carla, isa ka pa! Ikaw na!

Sa mga readers at kaunting followers, kayo na!

Sa mga blogger na mainit ang pagtanggap sa mga baguhang blogger na gaya ko, thank you!

Thank you rin sayo Bino sa pagfeature mo sakin sa iyong damuhan!

Ako na! ay, Ikaw na!

Muli, magandang araw sa inyong lahat! at happy fiesta! Charot!

Salamuch! xoxo






34 comments:

  1. hahahaha, nakakaaliw syang sumagots. nakakatuwa at nakaka-GV lalo na't lunes- na lunes :D

    ReplyDelete
  2. puede bang landiin ng beki (ako) ang beking beking si Donnie Ray? Ang saya!!=) iistalk ko na sya..lols!

    ReplyDelete
  3. nakakatuwa naman. iba tlga ang impluwensya ng isang Chyng Reyes.

    ReplyDelete
  4. Ang saya agad ng Monday ko. Dami kong tawa sa mga sagot niya lalo naman dun sa post niya about Sagada pati mga bulaklak di nakalampas. Ang saya pati ng Aura niya.

    ReplyDelete
  5. kulit naman!

    empi

    ReplyDelete
  6. naks, ikaw na donnie!

    fyi, donnie and i met in tuguegarao airport. lakas ng loob ng batang yan. simula nun, lagi ko na syang inaaya, kaladkarin kasi. charot! masayang kasama opcors. never fails. kahit si nina fuentes aliw na aliw sayo!

    ReplyDelete
  7. I've read his blog, and he is really cool!

    I remember his camera's name is Conan, may nagdescribe pa sa kanya na siya ang pinakamayamang tambay! Di ko lang maalala kung sino.

    ReplyDelete
  8. astig .. very positive niya ..hehehe

    GV para sa buong linggo :)

    ReplyDelete
  9. Hahaha! Naaaliw ako sa mga sagot ni Donnie. Ibang klase. lol.. Gusto ko syang ma-meet nang personal one day.. May utang pang Starbucks sakin yan eh. LOL.. joke...

    Sya na talaga. lol.. Ikaw na, Donnie!

    ReplyDelete
  10. nkapasyal na rin ako sa blog nya at mganda yun mga step ng mga ginwa nya sa blog.
    very positive!

    ReplyDelete
  11. first time ko nka visit sa blog nya kla ko travel blogger sya now ko lang nlamn na jan. 2012 sya ng start. astig nman.
    mganda un step by step sa blog ni donnie.
    very positive

    ReplyDelete
  12. haha so kasalanan pala si chyng ang magblog mo hahaha.. ayos. dahil sa kanya ay nakilala kita sa mundo ng blogging so much kalog hahaha.. at ang kulitan sa twitter wag kalimutan hahaha..

    ReplyDelete
  13. Ako ang unang na-feature dito na BEKI, pangalawa ka sis...:)))

    ReplyDelete
  14. nakakatawa na nakakatawa ang sagot ni donnie! totoo, straight to the point, kahit beki wala masyadong palabok.

    Umpisa pa lang natawa na ko. Bongga ang lokasyon, handomi!!! LOL

    At di ko alam kung bakit tawang-tawa ako sa part na "makakain ng libre" lol ako na!

    ReplyDelete
  15. nawala ba yung una kong kinomment??? nyewan.

    anyway.. ulit na lang.

    nakakatawang nakakatuwa ang mga sagot ni donnie! totoo at straight to the poinit. kahit isa siyang beki wala masyadong palabok, deretchahan! achieve na achieve, like ko yan!

    natawa ako sa umpisa pa lang.
    bongga ng lokasyon, hondami!!! rampa kung rampa teh? lol

    ReplyDelete
  16. nakakatuwa naman ang kulit kulit ng mga sagot nia

    ReplyDelete
  17. napatambling ako ng bonggang bongga sa sinabi nyang "NANGANGAIN AKO"!!!! waaaaahhh! adik lang!

    i like people like you kasi pag may nakakasama akong tulad mo walang humpay ang kakatawa ko! di nakakaboring kasama! hahaha!

    ayan i like you na! :P

    ReplyDelete
  18. oi--diko sya kilala---thanks sa blog mo and I get to know this blogger.nasa loop mo pala sya ha.would love to meet Donie in the future :)

    ReplyDelete
  19. at umespecial mention ka na nga lang at nagpa-thank you samin ni chyng eh ginamit mo pa buong pangalan ko! hmmph...

    ikaw na Donnie Ray Lames Maravilla!

    bwahahaha

    ReplyDelete
  20. Wow.. nakakainis.. kasi nakakaaliw siyang sumagot.. vet na vet ko.. hehe.. Nice work Bino.. :)

    ReplyDelete
  21. Hi there!

    Dami na rin palang comments dito. Yey!

    Isa-isahin ko ha...


    @khantotantra, yeys! good vibes lahat! ^_^


    @mark joe, surelyness! nagpapalandi ako kahit kanino! :D


    @batang lakwatsero, tama! iba ang chyng reyes :-)


    @sey, thank you! talagang bet na bet mo yung Sagada Bomod-ok falls post ko ha :-)


    @empi, :p


    @chyng, aww! bakit ngayon mo lang sinasabi yan? ^_^ thank you so much! Thank u rin sa isang Nina Fuentes!


    @lj, huwat? hindi no! may-kaya lang :D


    @bagotilyo, good vibes buong linggo, buong bwan, buong taong. buong buo! ^_^


    @leah, oo basta pag pasyal ko dyan sa Iloilo maaalala agad kita =)


    @palakanton, hirap naman ng name mo, chos! anyway thanks alot!

    ReplyDelete
  22. @axl, yes kasalanan nya! haha. twitterlitan! ^_^


    @akoni, ay ganun ba. so, second great nalang pala ako :( keri lang. mas mahaba naman hair ko sa'yo, chos! :D


    @jhengpot, isang malaking check! totoo yung mga lokasyon ko ha.. at masarap talaga makakain ng libre pag blogger hehe =)


    @rico, hi rico! kumusta ang mga buco? hinog naba? sabihan moko ha ng matikman na ^_^


    @diamond r, bonggang bonggang bonggachulations!


    @iya_khin, tru! nangangain talaga akes. kaso pili lang :p
    wow you like me na talaga ha. paalala ko lang po. beki ako, chos! ^_^


    @pusang kalye, yey! thanks bino at kilala na nya ako! =)


    @carla aka blissfulguro. ewan ko sayo! love you!


    @zen, salamuch ng marami! ^_^

    ReplyDelete
  23. energetic! =) kakaibang interview to! hahha

    ReplyDelete
  24. Congrats donnie! Aliw na aliw talaga ako sayo. Haha! Apir! ^_^

    ReplyDelete
  25. Congrats donnie! Aliw na aliw talaga ako sayo. Haha! Apir! ^_^

    ReplyDelete
  26. "Landiin nyo nalang ako! " Panalo ka talaga Donnie! Haha! Nahanap ko talaga ang blogger of the month mo.. hehe!

    @Bino - ay panalo rin ang blog mo, like like!

    ReplyDelete
  27. hahaha.. naaliw ako sa nafeature ngayon.. LOL

    feeling ko mas magiging aliw ito kung open pa rin yung questions from the other bloggers.. ehehehe..

    anyway! congrats kay donnie sa pagkakafeature ay kay bino sa pagfeafeature! :)

    ReplyDelete
  28. Hi there!

    Thank you sa mga comments nyo! Ansaya!

    Thanks Bino!

    cheers! ^_^

    ReplyDelete
  29. bet na bet ko blog nya! PUNONG PUNO NG ALIW! :D

    ReplyDelete
  30. bet na bet ko blog nya! PUNONG PUNO NG ALIW! :D

    ReplyDelete
  31. Hi Donnie, congrats u deserve it. Salamat dahil sa SAGADA nakilala kita at nainspire akong mgtravel dahil sa kwento at blog mo. Keep it up. Sana makasama kita ulit sa next travel mo.

    ReplyDelete
  32. I can't get over the fact na andami blogger with fantastic personality, even in the manner of comments, mababaliw ata ako dito...

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.