April 23, 2012

Getting Closer - Inspired by Close-Up Commercial


Beep! Beep!  Beep! Beep!


Traffic na naman! Ang iingay ng mga busina ng iba't ibang sasakyan. Lahat ay nagmamadali sa kanilang mga destinasyon. Hindi na bago ang ganitong eksena sa Metro Manila lalung-lalo na sa Cubao area. Biyernes pa naman. Gimmick-time para sa mga yuppies o yung tinatawag na young professionals. Oras na naman para punuin ang tiyan ng iba't ibang klase ng alak at pulutan. Magpunta sa iba't ibang bars at pubs para sumayaw, kumanta, at kung mamalasin, makipagbasagan ng mukha kapag apektado na ng alak ang utak ng mga gimikero at gimikera.

Gigimik din ako. Wala naman kasi ako'ng pasok kinabukasan dahil weekends-off ako. Swerteng day shift din ang account na aking hinahandle sa call center na aking pinagtatrabahuhan. Pero di ako pupunta sa Gillligans, Jerry's Grill o anupaman. Diretso ako sa concert hall para manood ng isang konsiyerto ng sikat na local act sa Pilipinas: Ang KukoNut.


Mahigit kalahating oras na ko'ng nasa gitna ng kalsada para lang makapasok sa parking space ng Araneta. Ilang busina pa at sa wakas nagawa ko ng maipark ang aking sasakyan. Agad ako'ng bumaba ng kotse at nagtungo sa pila kung saan pinapapasok ang mga may special passes sa concert. Ito ang dahilan kung bakit ako nakumbinseng manood. Libre kasi ang ticket ko. Galing kay opismate. Nagkataon kasi na di siya makakapunta dahil may biglaang out of town meeting siya sa Cebu. Eh di siya na! Pero thank you sa ticket. Hehehe.

Maha-haba din pala ang "pila" sa special passes lane! Ang dami din palang nabigyan nito. Halos dumikit na ang mukha ko sa batok ng aking nasa unahan dahil di mahulugang-karayom ang lugar. Kahit nga siguro manatili lang ako'ng nakatayo ay awtomatiko'ng gagalaw ang aking pwesto. Tinatangay ako ng mga tao. Ng mga teenagers na may dalang posters at fan signs at patuloy ang tilian ganung di pa sila nakakapasok ng coliseum. Iba talaga ang energy-level ng mga kabataan ngayon! Sumigaw kaya ako ng "may bomba!" o kaya ay "sunog!!!"? Malamang stampede dito.

Nasa ganung kalagayan ako ng nagsimula na ring buksan ang general admission lane na katapat ng aming pinipilahan. Ilang segundo pa lang matapos ito'ng buksan ay wala ka ng makikitang espasyo dito.

"Grabe naman to. May pila nga eh. Ba't nagtutulakan?" boses ng isang babae. Tama nga naman Sa ganito'ng pagkakataon, nawawala ang disiplina.

"OMG! Ang ticket ko!" nagulat na lang ako ng mabitawan niya ang ticket dahil sa dami ng tao. Buti na lamang at tiyempong sa paanan ko ito bumagsak. Simpleng barikada lamang kasi ang naghihiwalay sa general admission at special passes lane.

Pinilit ko'ng yumuko para kunin ang ticket niya. Tulad nga ng inaasahan, hirap ako sa paggalaw. Pero kawawa naman yung babae kung di ko siya tutulungan. Kaya kahit sardinas na talaga sa sobrang sikip, nagawa ko pa rin'g makuha ang kanyang ticket.

"Eto miss oh ---" sabay aboy ng ticket sa kanya. Bigla ako'ng natigilan. Noon ko lang siya napagmasdan ng mabuti. Maputi. Mahaba ang buhok. Singkit ang mga mata at napakaganda ng kutis. Tila tumigil ang mundo ko pagkatitig sa kanya. Alam mo iyo'ng parang sa pelikula na napause ang mga tao, black and white ang lahat at tanging kayo lamang ng babae ang gumagalaw at may kulay? Ganun!

"Thank you." sagot ng babae sabay bigay ng isang matamis na ngiti. Lumabas ang biloy niya sa kanang pisngi  na lalo pa'ng nagpatingkad ng kanyang kagandahan.

"Are you alright?" tanong niya sa akin. Doon bumalik ang aking ulirat.

"Yeah, I'm fine." bawi ko sa pagkakabigla.

"Thank you ha, grabe kasi ang pila dito eh. Buti nakuha mo yung ticket ko. Salamat talaga." sagot niya.

"Ok lang. Ako nga pala si Keith." sabay lahad ng kamay.

Bago pa kami makagpagkamayan ay nadala na ulit kami pareho ng bugso ng tao. Mga ilang pulgada ang inilayo ng aking pila sa kanya.

Oh no! I need to get her name! And her number!

Narinig yata ni Lord ang sentimyento ko. Mabilis na umusad ang pila nila at ilang sandali pa'y nagkatapat na naman kami.

"Bilis ng pila niyo ah." biro ko. Kumbaga, humahanap ako ng tiyempoo.

"Masyado kasing active to'ng mga teenagers dito kaya mabilis kumilos. Hahahaha" tawa pa lang niya, parang musika na.

"Kaya nga eh. Iba na talaga ang panahon ngayon. Grabe ang energy level ng mga batang to. Hehehe. By the way, I'm Keith. Keith Alcantara." sabay lahad ulit ng kamay.

"Nice name ah. Ako nga pala si Ga---"

Na naman!!!! Umusad na naman ang linya nila at tuluyan na siyang nakapasok sa concert hall! Ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan ng magandang binibini na yun! Hindi to maaari. Kailangan ko ng gumawa ng paraan.

Nagawa ko ng sumingit sa pila hanggang sa makapasok ako sa loob ng concert hall. Subalit hindi ako dumiretso sa reserved seat ko. Mission impossible mode on! Pasimple ako'ng pumunta sa back stage. Kinuha ang isang peluka na hawig sa buhok ng lead singer at nagsuot ng shades! Diretso sa stage at itinulak ang magpeperform.

in 3 2 1. Lights on!

Tilian na ang mga manonood. Yun ang aking inaantay. Tinanggal ko ang suot ko'ng peluka at agad nagwika:


"I've just the met the most incredible girl in my life... Ga, this is for you."

"Inch by inch we're getting closer"

Muling tumigil ang takbo ng oras. Sa dami ng mga manonood ay akin siyang nakita. Papalapit sa stage. Slow-motion ang nagaganap. Muli, black and white naman ang lahat at kami lang dalawa ang colored.

Ilang saglit pa ay kasama ko na si "Ga" sa entablado.

"Talagang ginawa mo pa to ah." aniya

"Makuha ko lang ang pangalan mo, lahat gagawin ko, Ga."

Isang mahinang tawa ang kanyang isinukli. At ang pagkakataon na aking inaantay ay matutupad na. Ibinigay niya ang kanyang pangalan.

"By the way, it's Gardo."

"Gardo???" Gulat ko'ng sabi.

"Yeah, Gardo. Di ba obvious?"

"Obvious na ano?" nagtataka ko'ng tanong.

"Ay ang galing talaga ni Doc! Kahit ikaw di mo nahalata na dati ako'ng lalaki. Nice meeting you Keith!" sabay yakap niya sa akin.


Kill me now.




14 comments:

  1. ahahahaha..GARDO!!! ayun oh biglang liko..

    ReplyDelete
  2. hahhahaa.. epci fail!!
    isa pala siyang transgender!!
    ang ganda ng twist... hahahaha..

    ReplyDelete
  3. hahaha... langya ka! Yeah I will kill you now at isasama ko si Gardo hahaha... seryoso pa naman pagbabasa ko!

    ReplyDelete
  4. hahahahahahahaha as in tnt ng tnt!!! tawa much! wasak!!!

    Napapangiti pa naman ako sa kalagitnang eksena, as in parang napa"taragis" ako sa kilig. lagya yan si gardo! pak na pak!

    ReplyDelete
  5. hahahaha!!! na-wow mali ka!!! hahaha! actually ako din lately laging na wo-wow mali, dahil alams na mahilig sa pogi tuloy puro bakluushh ang nagiging crush ko!!! hahahaha

    ReplyDelete
  6. p*cha. haha gardo pala. wahaha sumakita panga ko kakatawa tsss

    ReplyDelete
  7. hahaha aus sa tema ah,
    bading pala si ga... gardo...
    eto ang spoof ng close up commercial. nice pre...

    ReplyDelete
  8. binasa ko ng seryoso sa pag-aakalang kwento mo ito sir nung banggitin mo pangalan mo, aba eh iba pala. at sa patuloy na pagbasa ayun na naalala ko ang commercial na iyon. pero natawa naman ako bigla sa dulo... seryoso sir hahaha

    ang galing ah..

    magandang araw po sa inyo :)

    ReplyDelete
  9. hala si gardo hahaha angaling tumwist!!

    ReplyDelete
  10. kala ko seryoso ang takbo ng storya! nadale ako dun! ang galing ;)

    ReplyDelete
  11. nyahahaha. salamat doc si ga... garding (gardong bding) :D lols

    ReplyDelete
  12. hahahaha..ang dame ko lang tawa dito. nice twist! :))

    ReplyDelete
  13. Ahahahaha! Super like! Sabi ko na nga ba't dapat matapos ko pagbabasa nito eh.. Yun pala yun. Astig! :)

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.