April 10, 2012

Inuman 101: Mga Uri ng Pulutan

Aminin man natin o hindi, tayo'ng mga lahi ni Juan Dela Cruz ay mahilig sa pagkain at mahilig kumain. Hindi sapat sa atin ang almusal, tanghalian at hapunan lang. Kaya mayroon tayo'ng tinatawag na merienda, midnight snack, at anu pa'ng matatawag na pagkain sa pagitan ng mga nabanggit. Pulutan ang tawag sa mga pagkai'ng kinakamay at madalas makikita sa mga okasyon gaya ng pista o kaarawan. At hinding-hindi ito mawawala sa tuwing may inuman. Sabi nga ng mga manginginom, kailangang may pambara kung may panulak. Combo kumbaga. Narito ang ilan'g mga pulutan na madalas na nakikita sa isang nomo (inuman) sessions:



Sisig - orihinal na gawang kapampangan na ibinabad sa asin, suka at iba pa'ng pampalasa. Gawa sa atay at iba pa'ng parte ng baboy. Pero sa ngayon, mayroon ng puro karne lamang ang nakalagay o kilala sa tawag na pork sisig. Mayroon na din'g chicken at bangus sisig. May sahog din ito'ng chicharon. Patakan mo ng kalamansi at lagyan ng mayonnaise para mas malasa at masarap.

Chicharon - gawa sa balat ng baboy. Piniprito'ng nakalubog sa kumukulong mantika hanggang sa lumutong. Sa ngayo'y nauuso na rin ang chicharo'ng gawa sa balat ng manok, isda atbp.

Mani - ito na yata ang pinakasikat sa lahat ng pulutan. Prito o nilaga man, panigurado'ng masarap ito'ng itambal sa inuman.

Kropeck - o prawn crackers. Gawa ito sa sugpo at mabibili na lamang sa kahit ano'ng sari-sari at convenience stores. Kung sa isang restaurant mo ito bibilhin, mababa na ang 100 pesos samantalang wala pa'ng 30 pesos ang isang malaking bag nito.

Calamares - gawa sa pusit na nilagyan ng arina at iba pan'g seasonings. Deep-fried at masarap di'ng papakin o iulam sa kanin.

Tokwa't Baboy - ang healthy pulutan. Gawa sa tofu (ito ang ginagawang taho) at nilagang baboy. Sawsawan nito ang toyo na may kalamansi.

French Fries - hindi lang ito kapartner ng burger ngayon. Ginagawa na din ito'ng pulutan. May iba't ibang sawsawan din gaya ng ketchup, mayonnaise, garlic dip at cheese dip.


At iyan ang ating lesson 101 ngayo'ng araw na ito.


12 comments:

  1. hahaha nadali mo..
    wala yung isaw....
    isa sa di nawawala sa pulutan yung sisig at Tokwa't Baboy~!

    ReplyDelete
  2. idagdag mo sa sawsawan ng french fries yung sundae.

    ReplyDelete
  3. doon ako sa mani :) nakakaadik yan habang tumatagal eh LOL

    ReplyDelete
  4. syempre pinakamahal yung sisig. hahaha. pag yan ang pinapak mo sa inuman at todo inom ka din, wahahaha.. tignan nan=tin ang itsura ng suka mo. hehehe.

    ReplyDelete
  5. gusto ko sa inuman yon tokwat baboy.akala ko kung ano lang yan ng minsang matikman ko ang sarap pala.Nagagawa namin yan dito sa UAE saan ka pa

    ReplyDelete
  6. so lashingan 101 talaga para sa mainit na tag-araw?sarap uminum, lalo pag kasama ang barkada tas me road trip pa.Nalala ko tuloy yung last na gala namin sa aurora.Sarap, sarap, gin-uman pa! :)

    ReplyDelete
  7. isama na din ang siomai sa pulutan .hehehe

    inuman na :)

    ReplyDelete
  8. sa kropek cliche yung dilaw na may hipon sa cover, basta yun na yun. lols.

    Tsaka lagi bida yung ano... hay nakalimutan ko ulit, bubu much. hahaha. yung chicharoon na gulay! haha ulyanin eh

    ReplyDelete
  9. Give up ko na ang inum, eh. haha! Pero yung mani tlga, sarap sa pulutan. Yung sisig din, of course. Actually kahit na ano basta andyan sa mesa, pwede na. lol.. ;P

    ReplyDelete
  10. hahah kami hot dog at roasted chicken!! LOL syempre d mawawala ang redhorse at empi!

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. masarap talagang pulutan yung salad,mixed mo lang,romain lettuce sliced,itlog n pula,onion,century tuna,and tomatoes,astig yan...

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.