April 16, 2012

Inuman Sessions 101: MGA TAO'NG DAPAT AT DI DAPAT IMBITAHIN SA INUMAN

Photobucket

Ang imahe na inyo'ng nakikita sa kaliwa ay ginawa apat na taon na ang nakakalipas. Pansinin ang magandang hagod ng buhok ni Bino. Lol. Anyway, nag-back read kasi ako ng mga posts ko (oo binaback-read ko rin ang sarili ko'ng blog) at sa di inaasahang pagkakataon ay nakita ko ang so-called Damuhan Cover Magazine at ito nga ay ang Inuman Sessions Issue. Napag-isip-isip ko ng mga 10 percent at naitanong ko sa aking sarili: may mga hindi pa pala ako natatalakay sa mga topics na nakalagay sa cover mag na ito.

Mga Dapat at Di Dapat Gawin kapag Nalalasing - checked!
Iba't Iba'ng Klase ng Pulutan - checked!

Sa limang topics na nakalagay, dalawa pa lang pala ang aking naipublish! Kaya naman segway na tayo sa topic ngayon'ng manic Monday at para hindi ka na magsawan'g magbasa dahil introduction at photo pa lang ay kakaumay na:



MGA TAO'NG DAPAT AT DI DAPAT IMBITAHIN SA INUMAN

1. The Story Teller - sila ang mga tao'ng hindi nauubusan ng kwento at nagiging dahilan ng isa'ng mahaba-habang tagayan. Kung trip mo ang uminom hangga'ng end of the world, sila ang mga dapat mo'ng kasama. Ni hindi marunon'g tamaan ng antok at pagkalasing. Sigurado'ng mananatili ka'ng gising.

2. The Clown - halintulad ng the story teller, palakwento din ang uri na ito. Sila ang maituturing na komikero ng grupo. Sila ang babasag sa sandaling katahimikan at ang magdadala ng good vibes kapag may nagkakainitan na sa tropa ninyo na sanhi ng paglagay ng alak sa utak at hindi sa tiyan. Kailangan ba sila sa inuman? Oo naman! Walang buhay ang isang nomnoman pag wala sila.

3. Ang Accountant at Treasurer - kung ikaw ang tipo na nahihirapan maningil ng share kapag oras na ng bayaran sa mga nainom ng tropa, kailangang-kailangan mo ang uri nila. Accountant ang magcocompute ng inyong nagastos at treasurer naman ang bahalan'g maningil. Kadalasa'y package deal ang mga tao'ng ito pero may mga pagkakataon na pweden'g isan'g tao lang ang nabanggit. Dapat ba silang imbitahin? Oo naman!

4. Ang Cleaner - mga uri ng manginginom na kapag nalalasing eh iniimis ang mga basyo ng bote sa lamesa at inilalagay sa bucket. Pinupunasan din niya ang lamesa ninyo dahil umaandar ang pagka-OC nito habang binabanggit ang linyang "Ayoko ng masikip, ayoko ng madumi!". Mawawalan ng trabaho ang mga service crew dahil wala na sila pa'ng kailangang problemahin sa paglilinis ng inyo'ng table. Depende na sa inyo kung gusto n'yo siyang imbitahin sa inuman.

5. Ang Hardbound Cover - ang makapal ang mukha na di maruno'ng maglabas ng pera o mag-ambag man lang sa inyong sesyon. Grabe ang pamumulutan at pagtungga ng alak pero pahirapan'g singilin. Hangga't makakalusot, hindi siya magbabayad. Sinasamba niya ang salitang LIBRE at iaasa sa mga kasamahan ang pambayad.  Sa tingin mo, iimbitahin mo siya?

6. Ang Galante - kabaliktaran naman ng hardboung cover, sila ang mga tipo na tila hindi nauubusan ng pera. Yung kahit hindi sila ang may pasimuno ng nomnoman ay handa pa rin'g bayaran ang inyong mga inorder. Kung abusado ka. makapal ang pagmumukha at gusto mo laging makalibre, dapat mo nga siyang imbitahin. Ganunpaman, 1 sa isandaang katao lamang ang katulad niya.

7. The Drama King/Queen - hindi masamang maglabas ng kadramahan. Pero kung dito lang sesentro ang inyong nomnom session, mukhang hindi maganda to. Maliban na lang kung ang dahilan ng inyong inuman eh para talaga sa kanila. Pero kung hindi naman, isa ya'ng malaking problema. Kaya depende sa sitwasyon ang pag-iimbita sa kanila.

8. The Leader - ang decision-maker ng grupo. Siya ang mag-iisip kung saan'g lugar kayo iinom. Magsasuggest ng dapat orderin. Malawak ang kaalaman kung saan ang mura ngunit masarap na pulutan. Siya rin ang taga-awat kung may pausbong ng gulo sa tropa ninyo dahil sa epekto ng alak.

9. The Total Performer - mahilig kumanta, sumayaw at halos lahat ng talento ay nasa kanya. Isa rin siya sa mga nagbibigay kasiyahan sa isang nomnom session. Madalas kapartner in crime ng The Clown at Story Teller. Alam lahat ng kanta at mga number combination sa isang videoke.

10. Silencios - mga tahimik lang sa inuman at kadalasan ay bored kasama. Yung tipo na kahit kausapin mo na ay puro ngiti lang at tango ang alam isagot. Parang naputulan sila ng mga dila at ni hindi mo mararamdaman na kasama mo pala sila. Tulad ng dati, nasa sa iyo ang desisyon kung iimbitahin mo sila


Marami pa rin ang hindi nailagay sa listahan at kung lahat ay ating icacategorize, di sapat ang isang post na ito para diyan. Pweden'g ang ilan ay kumbinasyon ng mga nabanggit. Ganunpaman, sa bandang huli, ikaw pa rin ang pipili ng gusto mo'ng makasama sa isang inuman. At kung sila ay iyo'ng mga kaibigan, ang mga listahang nabanggit ay burado sa iyo. Ito ay dahil sa isang katotohanan na anuman ang kanilang mga ugali, masama man o maganda, sila'y iyo'ng mga kaibigan at tanggap mo kung sino o ano sila.


15 comments:

  1. meron ako mga nakasama at one point sa mga inuman sessions na tulad ng mga ito...ang saya saya lang e reminisce specially yung nageeksena talaga...hehehe

    ReplyDelete
  2. wow, anhabs ng hair mo bino sa pic. hahahah :D

    sa nakalista.... parang sa silencios ako. :p

    ReplyDelete
  3. nakaktuwa naman at halos alam mo lahat ang klase ng mga manginginom.. nakasama mo na sila siguro sir bino.

    sa mga inuman lalo na at nasa kalagtinaan, napapansin ko lang pag may amats na, partner partner na ng huntahan,,

    magandang araw po sa inyo :)

    ReplyDelete
  4. i-barik na yan!
    pwede kung i kategorya ang sarili ko sa 1,2 at 5 hehe!

    ReplyDelete
  5. bawal ang Hardbound Cover ang hirap kaya nun.. mas maganda yung share share kau...
    ang hirap naman nitong Silencios parang ikaw ang maOOP sa ganyang tao... yung iba pasok sa banga!!

    ReplyDelete
  6. bino ang galing galing chewy chowee po bago rito sablog mo andami ko natutunan madaming plang category ang mga manginginom hehehe

    ReplyDelete
  7. Medyo hindi ako makarelate kasi hindi ako nainom..hehe pero ang papables mo don sa picture ah..you're so young and sweet..LOL

    ReplyDelete
  8. well, totoo iyung mga kina-categorize mo na mga tao. nakakainis rin iyung mga nang-iiwan sa gitna ng tagay session.

    ReplyDelete
  9. ako rin nagbabackread sa posts ko hahahah

    ayoko kasama ang drama king and queen.. naman.. kaya ako lumalabas para magsaya at di makinig sa drama ng buhay nila.. hehehe usually kasi nagkakahawaan kapag ganun eh.. :p

    ReplyDelete
  10. imperness pang model ng shampoo ang buhok ..hehehe

    parang isa ako sa mga cleaner .

    naalala ko ung post ko dati about sa klase ng mnginginom . backread mode din ako .ahaha

    ReplyDelete
  11. parang #9 ata ko, ako na ang talentado haha :D

    ReplyDelete
  12. Ang pinaka ayoko sa lhat yun madrama nakow kairita ang ganun! Lol

    ReplyDelete
  13. Ayos lang sana yung sinasamba yung salitang Libre. Pero wag lang yung kasama pa yung pagiging sugapa sa alak at pagkahayok sa pulutan (na kulang na lang humingi ng kanin). Pag ganun ang kainuman, masarap na siya na lang ang gawing pulutan. Tadtarin at gawing sisig. Hahaha.

    ReplyDelete
  14. Meron din yung pa virgin sa inuman (na lalaki) tapos ayaw uminom pero pagdating ng pulutan, talo pa yung nakainom sa gutom :))

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.