April 18, 2012

Sa Piling ng Aswang



"Pwede po ba kami'ng maglaro dun sa may burol?" ang aking tanong kay itay.

"Oo anak, basta wag na wag kayo'ng pupunta dun sa isang bahay sa kabilang paanan ng burol." babala nito.

"Ano po ba'ng meron dun Mang Edgar?" usisa ni Miong, ang aking kababata.

"May alagang aswang yung matandang babae na nakatira dun! Ipangako n'yo na di kayo pupunta dun kahit ano'ng mangyari."


"Opo 'tay"



Tangan ang saranggola na gawa sa dyaryo, mabilis kami'ng nagpunta sa may burol ni Miong. Tamang-tama naman na malakas ang hangin ng araw na iyon kaya tiyak na madaling lilipad ang aming guryon.


"Pumunta ka na dun sa may dulo at ihahagis ko na to'ng saranggola sa ere para mapalipad na natin." utos ko kay Miong.

Agad namang tumalima ang aking kaibigan at dali-daling nagtungo sa lugar na aking tinutukoy. Hatak-hatak ang pisi, sabay kaming bumilang para paliparin ang aming laruan.

"isa... dalawa.... tatlo... lipad!!!!"

"Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe...la la la la la la la la la la" sabay kanta habang pinagmamasdan ang paglipad ng aming saranggola.

Tuwang-tuwa kami ni Miong sabay apir sa isa't isa. Dala ng labis na kasiyahan ay nabitawan nito ang pisi. Ilang sandali pa'y tuluyang bumagsak ang saranggola sa kabilang parte ng burol.

"Tonyo teka!" pigil sa kin ni Miong ng akma ako'ng tutungo sa kinabagsakan ng aming saranggola para kunin ito.

"Bakit?"

"Di ba sabi ng tatay mo, wag tayo'g pupunta dyan? May aswang dyan Tonyo! Baka mapaano tayo. Umuwi na lang tayo."

Sinilip ko ang bahay-kubo sa paanan ng burol. Nakasara ang pintuan at mga bintana nito. Senyales na wala'ng tao.


"Mukhang walang tao eh. Maghintay ka na lang dito."


"Magpagawa na lang tayo ng bago'ng saranggola kay Mang Edgar. Halika na Tonyo!"

Di ako napigilan ni Miong at agad ako'ng bumaba sa paanan ng burol. Nagtago ako sa likod ng malaking bato para hindi ako mapansin kung sakaling may tao sa paligid ng kubo. Dahan-dahan ako'ng sumilip at nahagip ng aking mata ang saranggola na nakasabit sa sanga ng punon'g mangga malapit sa kubo.

Parang pusa ako'ng lumakad patungo sa puno at inabot ang saranggola. Yes!!! Nakuha ko din. Lumingon ako kay Miong at iwinagayway ang laruan. Subalit laking pagtataka ko ng halos mawalan ng kulay ang mukha nito. Isang malakas na sigaw ang aking narinig mula sa kanya.

"Takbo Tonyo! Takbo!!! Nasa likod mo ang aswang!!!" hiyaw nito at mabilis na kumaripas ng takbo.

Sa narinig ay tila napako ako sa aking kinatatayuan. Ayaw gumalaw ng aking mga paa. Dahan-dahan ako'ng pumihit para lingunin ang aking nasa likuran. Aking nasaksihan ang isa'ng matandang babe na may mahaba at puting buhok na tumataklob sa kanyang mga mukha.

Binalot ng matinding takot ang aking buo'ng katawan. Hindi ko na namalayan na napa-ihi na ko sa aking salawal. Ilang sandali pa'y unti-unting lumalabo ang aking paningin hanggang sa tuluyan ako'ng nawalan ng malay.

itutuloy...

11 comments:

  1. abangan! sino kaya ang aswang na yan? hmmm

    ReplyDelete
  2. hala..... baka makain yung dalawang bata.

    ReplyDelete
  3. ung karugtong sir.. post mo na hehehe...

    magandang araw :)

    ReplyDelete
  4. takbo...... takbo.... sinu ang aswang na yun...... sana dumating ang itay....

    ReplyDelete
  5. hahahahaah... saan na ang kasunod? heheheeh... exciting...

    ReplyDelete
  6. hehehe,.,..san na karutong? exciting to..

    ReplyDelete
  7. aswang nga kaya ang matandang babae? awo0o0o0 :D

    ReplyDelete
  8. next episode please!
    hala horror post na....

    ReplyDelete
  9. nambitin?!! hehe

    -iyah

    ReplyDelete
  10. wow, you are good writer!! :) nice

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.