June 10, 2013

Iba't Ibang Uri ng Tumatakbo sa Fun Run

Isang maiksing post tungkol sa mga mahilig sa fun run:

  • The Starter - mga first time sumali sa isang fun run. Nagpapakondisyon muna sa pamamagitan ng pagjajogging araw-araw sa may QC Circle, Filinvest Alabang o anumang lugar na maaaring tumakbo na hindi nasasagasaan. Ang mga starters ay madalas sumasalang sa kadalasang pinakamaiksing kilometro tulad ng 2k at 3k run.
  • The Walker - sila naman yung mga kasali sa fun run pero tinatamad tumakbo kaya naglalakad na lang kasehodang sila ang mahuling dumating sa finish line. Pasyal-pasyal lang ang peg. Masabi lamang na nakasali sila sa isang fun run.
  • The Collector - mga runners na mahilig mangolekta ng fun run kits. Sila ang mga madalas sumali para sa singlet , wrist bands, head cap etcetera.
  • The Photo Enthusiasts - sila naman ang mas madalas pan'g magkukuha ng larawan kaysa tumakbo. Madalas din silang nakaharap sa anumang uri ng camera habang tumatakbo. Todo ang projection para maganda ang labas nila sa litrato.
  • The Speedo - ang energetic at mabilis tumakbo. Ang kadalasang nauuna at tila walang kapaguran. Hindi nauubusan ng energy na kala mo'y isang drum ng gatorade ang ininom.
  • The Challenger - sila naman ang mga runner na chinachallenge ang sariling record sa pagtakbo. Binebreak ang sariling record ng bilis at haba ng kilometrong tatakbuhin. Nagsisimula sa 3k at pag naglao'y advance na sa 5k, 10k, 15k, 21k etc.
  • The Helper - pangunahing adhikain niya ay ang tumulong. Pumipili ng fun run na may layuning makapag-raise ng funds para ibigay sa mga nangangailangan gaya na lamang nitong Run the Trails for Troy na ginanap kahapon para sa oral chemotherapy pills ni Troy Rosales.
  • The Health Buff - health-conscious at kinakarir ang mga fun runs para sa kanyang good health. Suki na ang tao'ng ito ng mga fun runs at halos walang pinapalagpas mapamaiksi o mapahaba-habang kilometrong takbuhan. 
  • The Eaters - mga runners na diretso naman sa malapit na fast food chains para kumain at bawiin ang nawalang taba dahil sa pagtakbo. 
  • The Sleeping Beauty - sila naman ang mga tipo na pagkatapos na pagkatapos ng fun run ay diretso uwi para matulog. Madalas kasing maaga ang assembly time ng mga fun runs na kalimita'y ginagawa tuwing umaga. Karamihan sa mga sleeping beauties ay mga nasa graveyard shift na diretso sa fun run matapos ang trabaho.




18 comments:

  1. hahaahaha, wala ako sa kategory kasi di ako tumatakbo.... ewan ko..... either too mainstream or ayaw ko lang kumilos-kilos.

    ReplyDelete
  2. Same with sir Gelo, hindi ko pa nae-experience mag fun run sa buong buhay ko haha. Pero if given a chance, why not chocnut diba? go ako jan! siguro dun muna ako mabibilang sa The Starter :)

    ReplyDelete
  3. Minsan ko na din na try to.. ang i guess nasa last na kategorya ako. bwahaha. #ALamNa

    ReplyDelete
  4. gusto kong itala kung saan ako nabibilang para kasing sa lahat hahahahahahahahahaha

    pero gusto ko lang talaga singlet tsaka free gatorade at freebies. lol

    pero seriously, iba pakiramdam pag nasa starting line ka na. iba.

    ReplyDelete
  5. wow the starter ako hehe..10K sabak ko sa KOTR..
    next naman baka mag the challenger ako.

    si ser joey keya saan jan? hehe ^_^

    ReplyDelete
  6. haha "if ever", if ever lang malamang starter at photo enthusiast ang kakalabasan ko haha

    ReplyDelete
  7. nkita ko sarili ko sa ilan dito ah, maliban sa speedo 1st time ko sa run united 2 mejo d pa nga mgnda un pagsali ko dahil bgo un tkbo ng katrangkso pero kinaya nman.
    pero agree ako kay sir vintot dapat meron the Manyak, at takaw tingin lalo na pag chix. hehe

    ReplyDelete
  8. nitong huling 21k ko walker ako. Nainjury ng maaga pero safe namang nakarating ng finish line. Gusto ko lang magpapayat talaga at mangolekta ng singlet at finisher shirt hahaha

    ReplyDelete
  9. Ang galing nong Walker! Pasyal pasyal lang ang peg hahaha

    ReplyDelete
  10. hahaha! dami kong check dito bff!!

    -the collector
    -the challenger
    -the helper
    -the help buff
    -the sleeping beauty

    hahaha! ayoko sana yung sa speedo pero medyo-medyo lang! hahaha!

    ReplyDelete
  11. The walker, hahaha pasyal pasyal ang woahlah. Haha.

    ReplyDelete
  12. tsaka 'yung "takbong mayaman" din adre.. hehehe

    ReplyDelete
  13. The idea of running, napapagod at nagugutom na ako... If ever, eater ako...hehehe

    ReplyDelete
  14. ay hindi naman akotinamaan sa the collector.. hindi naman ako sumali noon sa fun run ng nike at hindi naman ako nakareciv ng 1 gb na memory stik na korteng shoe hahaha

    ReplyDelete
  15. The Blogger - nagme-maintain ng blog naka-dotcom pa para wag tumigil sa pagtakbo at trying hard to stay fit as she ages. doesn't matter kahit gumapang sa hirap... #AlamNa ;)

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.